Advertisers

Advertisers

Huling presidential debate, ‘di natuloy dahil sa balanseng utang sa hotel venue…

0 204

Advertisers

SOBRANG nakakahiya naman ang nangyari matapos na hindi ituloy ang huling Presidential debate dahil umano sa balanseng utang sa hotel venue na dapat pag-ganapan ng sinasabing debate.

Sabik na sabik at pinakahihintay pa naman ng madlang people itong huling debateng ito ng mga presidentiables bago pa man sumapit ang May 9, 2022 election.

Itong debateng ito marahil ang pagbabasehan ng ating mga kababayan segun sa magiging tugon ng mga kandidatong kanilang ihahalal na Presidente at lider ng ating bansa sa loob na naman ng anim na taon.



Ang mga kandidatong ito bagama’t handang-handa sa naka-schedule na debate ay naudlot at natural na naguluhan din sa biglaang pagkansela ng pinaghandaan nilang debate.

Masisira nga naman anila ang iba nilang aktibidad na nakahulma na at naka-schedule sa takdang panahon. Natural na bukod sa debateng ito ay marami pa rin silang kumpurmiso.

Sobrang nakakahiya nga naman ang pinamalas na situwasyon ng Komita on Elections este Commission on Elections (COMELEC) nga pala na para bang nag-kansela lang ng isang palaro o basketball game.

Mantakin niyong diktahan sila ng SOFITEL Hotel na ipag-paliban muna nila ang sinasabing debate hanggat di pa naba-bayaran ang balanseng utang nilang napag-alamang umabot ng P14M tsk… tsk… tsk…

Kung tutuusin, ang ahensiyang ito ang pinaka well-funded at pinaka makapangyarihan sa panahong ito eh kung bakit nagkakautang pa.



Bakit nagkaroon ng ganong utang ang COMELEC sa kabila ng tinatanggap nilang sobra-sobrang pondo sa gobyerno na talagang gagawin naman ang lahat upang maging matagumpay lang ang nalalapit na eleksiyon.

Maski daw siguro ang mga kandidatong dadalo sa debateng ito ay kayang-kayang punuan ang sina-sabing utang, tama po ba?

Maski nga naman maghati-hati o mag chip-in ang mga ito ay sisiw lang ang P14-M pwera pa ang ibabayad ng mga sponsor, mga network at iba pang mga ahensiya na interesado sa debateng ito.

Ito ngayon ang paksa at katanungan ng marami nating mamamayan, saan nga ba napupunta ang pondo ng nasabing ahensiya at ganon na lamang diktahan ng mga pribadong kompanya.

Pinapalagay ng mga eksperto na malamang na hindi na matuloy ang debateng ito dahil nawalan na rin ng gana at di na rin interesado ang mga kandidatong lalahok.

Mantakin niyong halos dalawang linggo na lang ay eleksiyon na nguni’t hanggang sa kasalukuyan ay wala pa rin dinedeklarang schedule ang COMELEC kung tuloy pa ba o hindi na ang debate. May balita tayong nasagap na hindi na ito lalabas na debate kundi para na lamang interview he… he… he… Mabuhay kayo!!