Advertisers
KUMANTA na at isiniwalat ang katotohan ng isang tauhan ng kalaban ni Ate Rose Lin na ‘itinanim’ bilang espiya sa kampo ng leading Congressional candidate sa District 5 ng Quezon City.
Sa tatlong pahinang sinumpaang salaysay ni Aiza Mojica Cabazares ng 12P Tupaz Canan, Novaliches Proper Quezon City ay sinabi nito na taong 2021 nang maging tauhan siya at maging isa sa mga ‘angels’ ni Patrick Michael Vargas o PM Vargas na kalaban ni Ate Rose Lin sa pagka-konggresista ng District 5.
Sa kabila ng pagiging tauhan ni PM Vargas ay nakatanggap pa rin ng scholarship ang anak ni Cabazares ng mula sa programa ni Ate Rose Lin.
Nang malaman umano ng isang Sybhel Cordero social media manager at PR ng magkapatid na Cong. Alex at PM Vargas na nabigyan ng scholarship ang anak ni Cabazares ay sinabihan siya nito na magagamit siya para siraan si Ate Rose Lin.
Ayon pa sa salaysay, unang linggo ng Marso, 2022 nang kausapin si Cabazares ni Cordero at sinabihan na dadagdagan ang kanyang sweldo sa utos na rin ni PM Vargas basta pumasok siya kasama ng walong iba pa bilang ‘espiya’ sa kampo ni Ate Rose Lin upang siraan at gawan ng maling kwento para matalo.
Noon ding unang linggo ng Marso ay nakatanggap si Cabazares ng P1,000 sa GCash mula kay Cordero at sinabihan siya nito na marami pa siyang matatanggap kapag nakapagpadala siya ng litrato o video na nag-aabot ng pera si Ate Rose Lin.
Sinabi ni Cabazares kay Cordero na wala siyang cellphone at dahil dito ay binigyan siya agad nito ng Xiaomi cellphone pero dahil hirap siyang gamitin ay pinalitan ito ng Techno Mobile Pop5 at binilinan siyang siya na ang bahalang magpadala ng litrato at video. Pinangakuan din si Cabazares ni Cordero na ilalabas ang kapatid nitong nakakulong na hinuli ng isang Brgy. Capt. na tao ni Cong. Vargas.
Dahil sa pangako ni Cordero ay sumama si Cabazares sa activities ni Ate Rose Lin noong March 23, 2022 sa Tupaz Kaliwa, Novaliches Proper. Dito ay napicturan ni Cabazares ang pag-aabot ng scholarship ni Ate Rose Lin sa kanyang bayaw at agad na ipinadala ang mga larawan kay Cordero
Dahil sa ipinadalang larawan ay agad na nakatanggap si Cabazares ng halagang P500 at nasundan pa ito. P3,000 ang pinakamalaking ipinadala ni Cordero kay Cabazares at ang pinakahuli ay noong April 7.
Sinasaad pa sa testamento ni Cabazares na ang mga ipinadala niyang larawan kay Cordero ay naglabasan sa TV. Dahil dito ay agad niyang tinawagan si Cordero at tinanong kung bakit ito lumabas at napasama pa ang kanyang bayaw at maging siya ay nakilala ng kanyang mga kasamahan.
Dahil dito ay inutusan siya ni Cordero na i-delete ang mga larawan upang hindi ma-trace sa kanila ( Cordero at PM Vargas).
Sinabi pa Cabazares na sinabihan siya ni Cordero na ililipat ng bahay. Pero natatakot siya dahil alam daw niya ang kapasidad ng mga ito.
Dahil sa mga pangyayari ay napag-isip-isip ni Cabazares na lumipat sa kampo ni Ate Rose Lin at ibunyag ang mga pangyayari sa pamamagitan ng isang sinumpaaang salaysay na duly notarized ng isang Atty. Geneva Sol A Borlas at may petsang April 18, 2022.
Sinabi pa sa huling bahagi ng salaysay ni Cabazares na tunay at makatotohanan ang pagtulong ni Ate Rose Lin at walang ‘vote buying’ na ginagawa ang kampo nito.