Advertisers
ISANG SPY ang lumantad at nagsiwalat na ng mga nalalaman sa umano’y dati niyang boss na si QUEZON CITY DISTRICT 5 CONGRESSIONAL CANDIDATE PATRICK MICHAEL VARGAS hinggil sa pagmamanman sa kalaban nito sa pagiging QC DIST. 5 REPRESENTATIVE na si ATE ROSE LIN.
Sa tatlong pahinang sinumpaang salaysay ni AIZA MOJICA CABAZARES ng 12P TUPAZ CANAN, NOVALICHES PROPER, QUEZON CITY ay sinabi nito na taong 2021 nang maging tauhan siya at maging isa sa mga ‘ANGELS” ni PM VARGAS na kalaban ni ATE ROSE LIN sa pagka-konggresista ng District 5.
Si CABAZARES na naging tauhan ni PM VARGAS ay nagtamasa rin ito sa proyektong SCHOLRSHIP ni ATE ROSE LIN.., na noong malaman umano ng isang SYBHEL CORDERO na SOCIAL MEDIA MANAGER at PR ng magkapatid na CONG. ALEX at PM VARGAS na nabigyan ng scholarship ang anak ni CABAZARES ay sinabihan siya nito na magagamit siya para siraan si ATE ROSE.
Ayon pa sa salaysay, unang linggo ng Marso, 2022 nang kausapin si CABAZARES ni CORDERO at sinabihan na dadagdagan ang kanyang sweldo sa utos na rin ni PM VARGAS basta pumasok siya kasama ng walong iba pa bilang ‘ESPIYA’ sa kampo ni ATE ROSE LIN e upang siraan at gawan ng maling kwento para matalo.
Ayon pa sa pagsisiwalat, noon ding unang linggo ng Marso ay nakatanggap si CABAZARES ng P1,000 sa GCash mula kay CORDERI at sinabihan siya nito na marami pa siyang matatanggap kapag nakapagpadala siya ng litrato o video na nag-aabot ng pera si ATE ROSE LIN.
Sinabi ni CABAZARES kay CORDERO na wala siyang cellphone at dahil dito ay binigyan siya agad ng Xiaomi cellphone pero dahil hirap siyang gamitin ay pinalitan ito ng Techno Mobile Pop5 at binilinan siyang siya na ang bahalang magpadala ng litrato at video. Pinangakuan din si CABAZARES ni CORDERO na ilalabas ang kapatid nitong nakakulong na hinuli ng isang Brgy. Capt. na tao ni CONG. VARGAS.
Dahil sa pangako ni CORDERO ay sumama si CABAZARES sa activities ni ATE ROSE noong March 23, 2022 sa Tupaz Kaliwa, Novaliches Proper. Dito ay napicturan ni Cabazares ang pag-aabot ng scholarship ni Ate Rose Lin sa kanyang bayaw at agad na ipinadala ang mga larawan kay CORDERO.
Dahil sa ipinadalang larawan ay agad na nakatanggap si CABAZARES ng halagang P500 at nasundan pa ito. P3,000 ang pinakamalaking ipinadala ni CORDERO kay CABAZARES at ang pinakahuli ay noong April 7. Sa mga ipinadala niyang larawan kay CORDERO ay naglabasan sa TV. Dahil dito ay agad niyang tinawagan si CORDERO at tinanong kung bakit ito lumabas at napasama pa ang kanyang bayaw at maging siya ay nakilala ng kanyang mga kasamahan.
Dahil sa mga pangyayari ay napag-isip-isip ni CABAZARES na lumipat sa kampo ni ATE ROSE at ibunyag ang mga pangyayari sa pamamagitan ng isang sinumpaaang salaysay na duly notarized ng isang Atty. Geneva Sol A Borlas at may petsang April 18, 2022.
Naku.., mukhang nagkakainitan na ang laban sa pagitan nina ATE ROSE at sa magkapatid na VARGAS.., na sana ay ipairal ang legalidad at huwag humantong sa karahasan nang dahil lamang sa kampanyahan para sa kanilang distrito!
***
MARIKINA MAYOR DATING ANTI-POLITICAL DYNASTY .., PERO NGAYON?
Marami sa mga POLITICS na noong nangangampanya ay binabakbakan ang POLITICAL DYNASTY.., pero nang mahalal ay naiba na ang naging paninindigan at sa halip ay kapamilya na ang binubuhat upang makasama sa sirkulo ng politika.
Tulad na lamang ni MARIKINA CITY MAYOR MARCY TEODORO na noong bagitong CONGRESSMAN sa 1st DISTRICT ng MARIKINA CITY, sa ilalim ng 16th CONGRESS ay isa ito sa CO-AUTHOR at sumuporta sa Republic Act No 10742 o SANGGUNIANG KABATAAN REFORM ACT of 2015.., dahil wala pang batas sa PILIPINAS laban sa POLITICAL DYNASTY ay ito ang pinakamalapit na batas na nagbabawal sa dynasty na inaprubahan noong 2016 sa ilalim ng AQUINO ADMINISTRATION.
Siyempre pa, tumatak sa isipan ng mamamayan na hindi pabor at ninanais ni MAYOR MARCY na mabuwag ang POLITICAL DYNASTY.., dahil nga pangunahin siyang nagtataguyod ng SECTION 10 ng nasabing batas na isinasaad ang.., “Sangguniang Kabataan must not be related within the second civil degree of consangunity or affinity to any incumbent elected national official or to any elected regional, provincial, city or municipal, or barangay official in the locality where he or she seeks to be elected”
Marami sa mga baguhang politiko ang tutol sa POLITICAL DYNASTY, subalit nang magtagal na ang mga ito sa mundo ng POLITICS ay nababago na ang paninindigan tulad ni MAYOR MARCY.., na nagsisimula na itong gumawa ng sariling dinastiya sa Marikina City. Siya ay kumakandidato ngayon sa kanyang huli at ikatlong termino bilang MARIKINA MAYOR.., at ang asawa naman niya na si MARJORIE ANN TEODORO ay kumakandidato naman bilang MARIKINA CITY 1st DISTRICT REPRESENTATIVE.
Hindi na bago ang ganiyang mga sistema dahil may ilang LOCAL GOVERNMENT UNITS ang iisa ang apelyedo mula sa kanilang GOVERNOR, CONGRESSMAN, MAYOR at maging KONSEHAL isama na ang BARANGAY CHAIRMAN.., subalit, bakit natin natutumbok si MAYOR MARCY? Kasi nga po ay siya ang nangangampanya noon laban sa POLITICAL DYNASTY.., at ngayon ay naiiba na ang kaniyang paninindigan
Mas gusto pa natin ang mga pulitiko na totoo sa kanilang sarili, gaya na lang ni PRESIDENT RODRIGO DUTERTE na simula pa lamang ay aminado nang hindi uusad ang pagsusulong laban sa POLITICAL DYNASTY dahil sa DAVAO CITY ay mayroon itong dinastiya pero si MAYOR MARCY ay masasabi nating nalulusaw na ang prinsipyo!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.