Advertisers

Advertisers

MAGKAKAPATID NA YANSON DI MATAGPUAN NG LAW ENFORCERS!

0 1,482

Advertisers

HANGGANG sa isinusulat ang kolum na ito ay nananatiling hindi pa rin natatagpuan ng LAW ENFORCERS ang tinaguriang notoryosong apat na magkakapatid na YANSON na nilabasan ng bagong WARRANT OF ARREST ng BACOLOD REGIONAL TRIAL COURT nitong March 22, 2022.

Ang mga ipinaaresto sa salang QUALIFIED THEFT na walang kaukulang piyansa ay sina ROY YANSON, RICARDO YANSON JR, CELINA YANSON-LOPEZ at EMILY YANSON dahil inakusahan ang mga itong nagnakaw ng mga COMPANY PROPERTIES AND ASSETS na pag-aari ng VALLACAR TRANSIT INC o mas kilala sa brand na CERES BUS noong August 2019.

Base sa March 22, 2022 order ng BACOLOD RTC BRANCH 44, ang naturang korte ay nag utos sa mga otoridad para i-enforce ang nasabing warrants of arrest laban sa 4 na magkakapatid na YANSON.



“No bail recommended and bring them forewith before me to be dealth with according to law,” ayon sa order ng korte.

Ang korte ay nag-utos din sa mga LAW ENFORCER na gumamit ng kahit isang body-worn camera at isang pang-alternatibong recording device para sa gagawing pag-aresto sa mga magkakapatid.., na noong March 15, 2022 ay ibinasura ng korte ang inihaing mosyon ng magkakapatid na madismiss ang warrant of arrest

Ang unang WARRANT OF ARREST laban sa YANSON 4 ay inilabas ng korte noong 2020 dahil sa mga criminal acts tulad ng NON-BAILABLE CARNAPPING na may Criminal Case Nos. 20-51587 to 89 pending sa RTC Bacolod Branch 53 at GRAVE COERCION sa Criminal Case No. 20-03-34459 pending naman sa METROPOLITAN TRIAL COURT- BACOLOD BRANCH 7.

Nag ugat ang mga criminal cases sa illegal na take over ng YANSON 4 sa control at Management ng VALLACAR TRANSIT noong July 2019.., na ayon sa mga dokumento ng korte, noong mag take over ang legit na management ng VALLACAR TRANSIT na pinangungunahan ni LEO REY YANSON at FAMILY MATRIARCH na si OLIVIA YANSON noong August 2019, nagkawalaan ang mga gamit ng opisina ng naturang kumpanya tulad ng kompyuters, mga dokumento, mga titulo ng lupa at iba pang mga kagamitan.

Ayon sa imbestigasyon ng PNP-CIDG NEGROS OCCIDENTAL, lumabas sa kanilang report na ang mga properties na nawawala sa VALLACAR TRANSIT OFFICE ay dinala ng YANSON 4 sa compound ng kumpanya na pagmamay-ari ni EMILY YANSON, isa sa mga YANSON 4. Dahil dito, nagsampa ang CIDG ng kasong QUALIFIED THEFT laban sa YANSON 4 at kanilang mga alipores.



Noong April 19, 2022, nagbigay ang korte ng HOLD DEPARTURE ORDER laban sa magkakapatid na YANSON at inutusan din ang BUREAU OF INVESTIGATIONS “to stop the accused, arrest and surrender them to the court.”

Sa April 21, 2022 ulat ng PNP, ang kapulisan ay nabigo sa pag-enforce ng bagong warrants of arrest for QUALIGIED THEFT laban sa magkakapatid na YANSON 4.., dahil hindi raw matagpuan ng PNP ang mga ito sa kani-kanilang mga tahanan.

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.