Advertisers

Advertisers

BAKIT SI ISKO MORENO ANG DAPAT IBOTO

0 909

Advertisers

KUNG boboto ka ngayong eleksyon, lalo na ng Presidente, dapat siguruhin mo na taglay ng kandidatong iboboto mo ang mga katangian ng isang karapat-dapat na lider.

Kasabay niyan, siguruhin mo din na ang iboboto mo ay may tinatawag na ‘resibo’ ng mga ginawa niya lalo na nuong panahon ng pandemya dahil diyan talagang nakilala ang mga lingkod-bayan. Kung ano ang kanilang ginawa sa panahon ng krisis.

Ako, tahasan kong sinasabi na si Mayor Isko Moreno ang iboboto ko. At gaya ng sinabi ko, maraming resibo ng kanyang ginawa na siguradong gagawin din niya para sa buong bansa sa oras na mahalal siyang Pangulo.



Sa loob lang ng dalawang taon, narito ang kanyang mga ginawa: paglilinis ng mga bangketa at Divisoria na naibalik na ngayon sa mga motorista ang paggamit ng kalsada; trabaho para sa mga senior citizens at PWDs; P1,000 buwanang allowance ng mga estudyante sa mga Pamantasan ng lungsod; P500 buwanang allowance sa mga estudyante ng K12, senior citizens, solo parents at PWDs; birthday cakes para sa mga senior citizens; nagtayo ng COVID-19 Field Hospital; nagtatag ng bagong Dialysis Center sa Sta. Ana Hospital; bumili ng mga wold-class na medical equipments. Itinatag din sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang Siojo Dialysis Center na pinakamalaki sa buong SouthEast Asia.

Nagtayo ng mga mass housing tulad ng Tondominuim 1 & 2, Binondominium, Basecommunity, SanLazaro Residence, Pedro Gil Residence at San Sebastian Residence; nagtayo ng mga modernong pampublikong paaralan tulad ng. Almario Elementary School, Dr.Albert High School at Manila Science High School; nagpatupad ng General Tax Amnesty Program; lumikha ng Business One Stop Shop (BOSS); nagtayo ng kauna-unahang Manila Muslim Cemetery; nagpagawa ng New Manila Zoo; nagpagawa ng New Ospital ng Maynila; pinailawan ang mga kalye at parke; naglagay ng Solar Road Studs; isinagawa ang redevelopment ng Jones Bridge, Hidden Garden, City Hall underpass, Kartilya ng Katipunan (Bonifacio Shrine), Arroceros Forest Park at Moriones Park.

Nagpatupad ng Manila Food Security Program sa loob ng walong buwan; namigay ng laptop sa 10,000 guro sa pampublikong paaralan at 110,000 tablets para sa mga estudyante na may libreng WiFi; naglagay ng mga vending stalls para sa mga vendors.

Ibinigay din ni Mayor Isko ang kanyang P1 mIllion na talent fee at P5 million naman mula sa JAG Group para sa cancer ward ng mga bata sa PGH at ang matalinong idea ni Yorme ay lumikha ng P24.5M Fund Raising para sa mga batang may cancer.

Ang talent fee ni Yorme bilang model ni Vicky Belo at C-Lium na nagkakahalaga ng P5M ay ibinigay niya bilang donasyon sa mga biktima ng North Cotabato earthquake at ang P2M talent fee bilang modelo ay dinala naman sa Batangas, gayundin ang bayad ng CHOOKS-TO-GO na napunta rin sa kawanggawa.



Ang talent fee na P4 million mula sa JAG Jeans ay ibinigay sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Ang mga ginawa naman ni Yorme sa panahon ng pandemya ay ang sumusunod:nagtayo ng kauna-unahang Manila C0VÏD-19 Vaccine Storage Facility, Manila Infectious Disease Control Center, mga Quarantine Facility na may 883 bed capacity at RT-PCR Molecular Laboratory sa Sta. Ana Hospital; nagbigay at nagbibigay ng libreng mass swab testing; naglagay ng libreng drive-thru swab testing sa Quirino Grandstand; bumili ang Maynila ng sariling bakuna tulad ng 800,000 doses ng AstraZeneca at 400,000 doses ng Sinovac; lumikha ng Manila Food Security Program at ipinatupad sa loob ng walong buwan; naglagay ng drive- thru vaccination sa Quirino Grandstand; lumikha ng 27 vaccination sites sa Maynila gayundin ng website na manilacovid19vaccine.com.; namigay ng COVID-19 Senior Supplemental Kit; nagtayo ng Manila Covid-19 Field Hospital; bumili ang Maynila ng mga gamot gaya ng Remdesivir at Tocilizumab na mamahaling gamot sa COVID para ipamigay nang libre sa mga pasyenteng nangangailangan, maging sa mga hindi taga-Maynila; nagbigay ng 491 silid na matutuluyan ng frontliners at healthworkers sa Maynila at ipinatupad at ibinigay ang COVID-19 hazard pay sa mga frontliners at healthworkers.

Marami pa akong hindi naisama dahil sa limitadong espasyo. Sana ay maliwanag kung bakit si Mayor Isko Moreno ang iboboto ko. Sana kayo din.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.