Advertisers

Advertisers

NAG-VIRAL BAGONG KONTROBERSIYA SA DPWH SUMISINGAW?

0 457

Advertisers

ISANG napakalaking iskanadalo ang tampok sa kumakalat ngayong video expose at hindi lang basta video kundi viral sa apat na sulok ng Social Media, eh ang involved lang naman ay tumataginting na P785 B mga Ka Usapang HAUZ.

Alam po ba ninyo mga Ka Usapang HAUZ, ayon sa serye ng video na kumakalat, ito ay naglalahad ng kontrobersiya sa loob ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pamumuno ng bagong talagang kalihim nito na si dating Southern Leyte Congressman Roger “Oging” Mercado.

Sa nasabing viral video, isang lalaking nakamasakara at nakasuot ng jacket na may hood ang nagsisiwalat na may bagong sindikato raw sa loob ng ahensiya na pinangungunahan mismo ni Mercado. Ito raw ay tila Pharmally, ang sindikatong naging kontrobersiya sa gitna ng pandemiya, wee gaano kaya ito katutuo?



Ang sindikato ayon sa lalaking nagsisiwalat, ang siyang “kumo-corner” ng mga malalaking kontrata ng ahensiya para makapangumisyon sa mga proyektong nakapaloob sa P785 Bilyong budget ng departamento .

Sinamantala raw ng sindikato ang ingay ng eleksyon upang maikubli at hindi mapansin ang pagluluto o pagma-maniubra ng pag-aaward ng mga kontratang aabot ng ilang daang bilyon.

Eh, gaano naman kaya ka tutuo ang sinsabi ng impormante na umano’y kakaupo pa lamang ni acting Secretary Mercado, pinapila na sa kanyang opisina ang iba’t ibang mga supplier at construction firms upang lantarang hingian ng suhol kapalit ng pag-aaward ng mga proyekto sa mga ito?

Dagdag pa ng impormante, matapos nitong ipatanggal ang mga CCTV sa kanyang opisina, walang takot si Mercado na humihingi ng cash advance na pitong porsyento (7%) sa budget ng bawat proyekto.

Sabi ng impormante, malakas ang loob ni Mercado dahil nagawan nito ng paraan para ma-control ang National Expenditure Program ng DPWH at idikta kung kanino ia-award ang mga proyekto.



Nararapat sigurong huwag magsawalang kibo si Mercado dahil mismong ang kanyang asawa ay kaladkad sa kontrobersiya na sinasabing tinalaga niyang executive secretary, samantalang ang kanyang anak naman ay binigyan rin nya ng pwesto sa DPWH. Maging ang kapatid na si Damian at ilang diumanong korap na mga opisyal sa DPWH ay muling naging mga consultant.

Inihalintulad ng impormante ang modus ng sindikato sa nangyaring anomalya sa budget ng COVID-19 Pandemic Response kung saan halos otomatiko at mabilis na nailalabas ang pera sa mga proyekto kahit kulang ito sa mga rekotitus.

Maalalang nabunyag sa Senate Blue Ribbon Committee nuong isang taon ang mahigit sa P11 bilyon na overpriced supplies para sa COVID 19 response ng pamahalaan.

Ang serye ng mga video na nagba-viral ay mapanood sa Youtube channel na Intercourse and Discourse.

Nais ipabatid ng Usapang Hauz sa pamunuan ng DPWH partikular kay Sec. Mercado na bukas ang pitak na ito para sa kanyang saloobin para sa malayang pamamahayag.

***

Para sa inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag Txt o tumawag sa 0935-2916036