Advertisers

Advertisers

PAGPATAY SA LA UNION SOLON NOONG 2018 AY HUMAN RIGHTS VIOLATION!

0 1,467

Advertisers

SA kasagsagan ng karahasang pampolitika noong 2018 na nagresulta sa pagkamatay ni dating LA UNION REPRESENTATIVE EUFRANIO “FRANNY” C. ERIGUEL at 3 pa niyang kasamahan ang patunay sa kaganapan ng HUMAN RIGHTS VIOLATION sa LA UNION PROVINCE.

Ang naging kamatayan ni FRANNY ERIGUEL noong May 2018 ang nagsilbing panimula ng mga karahasan o ang “WELL-PLANNED POLITICAL KILLINGS” sa naturang probinsiya sa pamamagitan ng mga ASSASSINATION SQUAD na binubuo ng mga SCALAWAG na PULIS at MILITAR na inuupahan ng mga POLITICIAN upang ipatumba ang mga INCUMBENT OFFICIAL na kaalyado ni LA UNION GOVERNOR FRANCISCO “PACOY” ORTEGA III.

Batay sa COMMISSION ON HUMAN RIGHTS (CHR) RESOLUTIONS na may petsang February 15, 2023 at may lagda ni REGIONAL HUMAN RIGHTS DIRECTOR ATTY. HAROLD O. KUB-ARON ay isinaad ng CHR REGION OFFICE 1 na HUMAN RIGHTS VIOLATION (ARBITRARY DEPRIVATION OF LIFE) ang naganap laban kay DR. EUFRANIO ‘FRANNY’ C. ERIGUEL na napatay sa political rally noong May 12, 2018 bago ang BARANGAY ELECTIONS.



Lumalabas sa pagsisiyasat ng CHR.., si DR. FRANNY ay pinaslang ng UNIDENTIFIED GUNMEN habang ito ay nasa “MITING DE ABANSE” sa BARANGAY PLAZA ng BRGY. CAPAS, AGOO, LA UNION noong May 12, 3018 dakong alas-7 ng gabi. Ang SECURITY AIDES nito na sina BOBBY ORDINARIO at MAC RUEL TUBERA ay malubhang nasugatan at ang kasama nilang BODY GUARD na si PATRCIK MANABAT ay namatay sa ospital noong May 16, 2018

Nakasaad sa CHR RESOLUTION ang.., “The circumstances of this case, and the pieces of evidence gathered show that the victim was killed in a treacherous manner. The unidentified gunmen who suddenly arrived at the venue of the ‘miting de abanse’, went near the victim, Dr. Franny, and then shot him several times”.., dagdag pa rito ang “we rule that there is substantial evidence to support the finding of a human rights violation, particularly the arbitrary deprivation of the lives of Dr. Franny, his aides and the innocent people who attended the miting de abanse”.

Isinangkot ng isang testigo ang nagngangalang FELIZARDO VILLANUEVA alyas “RAMBO” na dating BARANGAY CAPAS CHAIRMAN sa AGOO na kalauna’y iniugnay rin ito sa MAGPALI GUN-FOR- HIRE GROUP na umano’y ginamit ng TUBAO-BASED POLITICIAN para ipatumba ang mga LA UNION POLITICIAN na kaalyado ni GOVERNOR ORTEGA.

Si FRANNY ERIGUEL ay nagtamo ng 8 tama ng bala ng baril sa ulo, dibdib, braso at paa.., na ang kaniyang pagkamatay ang naging panimula sa sunod-sunod na HIGH-PROFILE POLITICAL KILLINGS sa naturang lalawigan.., pinaslang si SUDIPEN MAYOR ALEXANDER BUQUING kasama ang kaniyang SECURITY ESCORT noong October at si BALAOAN VICE MAYOR ALFRED CONCEPCION noong November.., na ang anak nitong si CONCEPCION na si MAYOR ALELI CONCEPCION ay sugatan din sa naturang insidente. Ang mga patayang iyon ay nananatiling UNSOLVED hanggang ngayon.

Matapos ang 3-taon nang mapaslang si FRANNY ERIGUEL ay panibagong ASSASSINATION PLOT naman laban kay REP. SANDRA ERIGUEL at 2 pang MAYOR sa kanilang probinsiya ang naging kaganapan.., kasunod niyon ang pagkakaaresto ng ilang miyembro ng notoryosong MAGPALI ASSASSINATION SQUAD na binubuo ng mga SCALAWAG na PULIS at MILITAR na inuupahan ng mga POLITICIAN sa LA UNION.



“The killings were not only a violation of Franny Eriguel’s right to life, but also an affront to the political will of the people of La Union,” pagpupunto ng CRUSADERS FOR PEACE.., na magpahanggang ngayon ay patuloy ang mga karahasan para takutin umano ang mga kaalyado at tagasuporta ni GOV. ORTEGA!

***

MGA PRESO SA QC JAIL MASUWERTE!

Masuwerte ngayon ang mga bilanggo sa QUEZON CITY JAIL MALE DORMITORY dahil napangangalagaan ang kanilang mga kalusugan sa pamamagitan ng programa ng BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY (BJMP) na “TODO SERBISYO NG BJMP-NCRPO” sa liderato ni BJMP-NCR REGIONAL DIRECTOR JCSUPT. LUISITO C. MUÑOZ katuwang ang QUEZON CITY GOVERNMENT.

Sa panayam ng ARYA kay QC JAIL WARDEN, JSUPT MICHELLE NG BONTO,
ang programa ay serbisyong medikal at dental para sa QC Jail Male Dormitory-Persons Deprived of Liberty (PDL), kung saan nagtulong-tulong ang mga medical frontliners ng BJMP-NCR Regional Health Service Division, QC Jail Male Dorm Health Service Unit and Monte Zion Diagnostic and Medical Center na binubuo ng mga doctors, dentists, nurses at medtechs.., at ang mga kinatawan naman ng QC HEALTH DEPARTMENT PROTEKTODO TEAM ay patuloy sa pagsasagawa ng bakunahan upang masiguro na ang mga PDL ay protektodo laban sa Covid19 at Iba-t-ibang uri ng sakit o karamdaman.

May 162 na PDL ang napagkalooban ng serbisyong medikal sa pamamagitan ng General Check-up tulad ng mga may karamdaman sa skin diseases, hypertension at diabetes ay nakatanggap ng kaukulang reseta at gamot samantalang ang mga PDL na nakakaranas ng panlalabo ng mata ay binigyan ng referral sa Opthalmologist.., samantalang 30 PDL naman ang nabigyan ng serbisyong dental sa pamamagitan ng tooth extraction.

Sa kabuuan , 192 PDL ang nabigyang serbisyo ng dental at medikal misyon at ang naturang bilang ay sumailalim din sa Random Blood Sugar Testing sa tulong ng Monte Zion Diagnostic and Medical Center. ., kaya naman napakasuwete ng mga PDL sa naturang CITY JAIL.., ika nga “sana all!”

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.