Advertisers

Advertisers

SIGURADONG PAG-ASENSO SA GOBYERNONG MORENO

0 245

Advertisers

KAMAKAILAN ay nag-trending ang panawagang mag-withdraw na si Madam VP Leni Robredo na kaya ito ginawa ni Yorme Isko Moreno kasi, naubos na ang pagtitimpi niya — sa pang-iinsulto ng bise presidente, at ng mga kamkamping Pink na Dilaw na Dilaw naman.

Ganti na tamang hustisya lamang ang ginawa ni Yorme Isko, na sabi nga, ‘Wag mong gawin sa iba, ang ayaw mong gawin din sa ‘yo.

Oktober 2021 pa, nagpakalat ng hashtag at panawagan ang Dilaw na Pink na umatras si Yorme at noong kuno ay unification meeting ni VP, ano ang sinabi sa mga kakumpetensiyang kandidato sa pagka-pangulo.



Umatras na raw, kasi si VP Robredo raw ang number 2 at mas dapat suportahan para matalo ang frontrunner na si Bongbong Marcos.

Teka, I object, kasi hindi si Madumb Rob ang Top No. 2; si Aksyon Demokratiko presidential bet Yorme Isko po.

Ow?, sasabihin nyo, kasi sa mga surveys, si VP Rob daw ang ikalawang choice sa pagka-pangulo — na sa isip ko, hindi ito totoo, kasi si Aksyon bet Yorme Isko ang tunay na Top No. 2 Choice.

Tama na paatrasin na si Lenlen, kasi kung siya ang umatras, sigurado ako, magsu-switch sa Bilis-Aksyong Moreno ang mga kakampinks, yes, hindi kina Sen. Ping Lacson, lalong hindi kay Sen. Manny Pacquiao.

Kay Isko sila susuporta, at mangyayari, mas malaki ang swerteng maitaob niya ang bangka ng batang Marcos.
***
Never, hindi mangyayari na kung si Yorme ang umatras, ang aming paniniwala, ang mga Iskorganics ay hindi pupunta kay Madam Len Rob.



Mangyayari, baka, ang mga Iskorganics ay mapunta kay BBM, kung umatras si Yorme Isko — na alam na alam natin, hindi mangyayari, kasi, hanggang dulo, deretso ang arangkada ng kanyang mga numero.

Saka, kahit pa mag-withdaw si Yorme, ang buong katotohanan, kahit ano pa ang gawin ni Madam Lenlen, magic na lang ng Smartmatic ang kailangang gawin upang makahabol siya kay BBM.
***
Ang malinaw, kasi kahit top daw siya na No. 2, malayong makahabol si Lenlen, ngayon na malapit na tayo sa dulo ng karera patungong palasyo ng Malakanyang.

Tanging si Yorme lamang, ang may chances na makahabol, at masisigurado ang panalo, kung si VP Rob ang aatras, hindi si Isko.

Isa pa, kongkreto ang akomplisment ni Yorme Isko, kumpara kina Leni at iba pang kandidatong pangulo.

‘Yung ipinangangako ng ibang kandidato, nagawa na at ginagawa pa ni Yorme Isko, at kitang-kita ito sa Maynila.

Pangakong pabahay, nagawa na sa Tondominium 1 & 2 at sa Binondominium 1 & 2 at sa Pedro Gil Residences at iba pang proyektong pabahay ni Yorme Isko sa Maynila.

Pangakong trabaho, ay kayraming nagkatrabaho sa maraming naipatayong bagong ospital, de-kalibreng eskuwelahan, pagpapaganda ng mga parke, rehab ng Manila Zoo at iba pang infra programs sa Maynila.

Ayuda at gamot laban sa COVID-19 ay hindi lang sa Maynila kungdi umabot pa sa labas at iba-ibang probinsiya.

Mabilis na kilos sa mga sinalanta ng pandemya sa ibang lugar, sa mga biniktima ng mga bagyo, pagsabog ng bulkan at pagpapagamot sa mga hindi taga-Maynila.

Panukalang aksyon para mapaunlad ang agrikultura, bagong kurikulum para mapagsigla ang information technology at agri-fisheries business at tulong sa maliliit na negosyante at pagpapalakas ng turismo.

Proteksiyon sa mangingisda sa modernisasyon ng lakas ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard at ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines.

Interes ng bansa sa ugnayang panlabas, at ang pagpapatuloy ng lahat ng magagandang nagawa ng Duterte administration, at higit sa lahat, kapayapaan, kaginhawaan, at kaunlaran ng bansa.

Mga nagawa Maynila sa loob lamang ng tatlong taon, ay iduduplika sa buong bansa!

Sa gobyernong Moreno, sigurado ang pag-asenso ng mamamayang Pilipino.

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com.