Advertisers
Ni BKC
HINDI nawalan ng lakas ng loob ang Batanguenong teacher na si Yohan Castro para ituloy ang kanyang pangarap na maging singer.
Ang 25-anyos na binata ay isang SPED teacher sa University of Batangas Specal Children Foundation mula 2009 hanggang 2011. Naging regular teacher din siya sa St. Bridget College mula 2011-2012.
Pero dahil hilig na talaga ang pagkanta mula nung bata pa, nagpasya si Yohan na ituloy ang kanyang pangarap kahit may professional career na.
Lumahok si Yohan sa singing competition sa GMA7 na Protege at naging finalist sa nasabing kumpetisyon.
Tsika nga ni Yohan sa idinaos na pocket presscon kamakailan, kabilang anya siya sa binuong grupo ng Protegee mentor noon na si Ms. Claire dela Fuente at nabigyan umnano sila ng tsansang makapag-perform sa iba’t ibang show.
Sinabi pa ng binata na paborto raw niyang singers sina Erik Santos, Mark Bautista, Ogie Alcasid, Ronnie Liang at iba pa.
Kahit mahal anya niya ang pagtuturo, hindi maitatatwang nasa ugat at dugo na rin niya ang pagmamahal sa pagkanta at pagpe-perform.
Ilan sa mga achievements na natanggap ni Yohan ay ang mga sumusunod: Best Artist of he Year 2003, 1st Runner-up Vocal Solo, De La Salle Lipa, Men of Soul and Talents Band Member, I Sing Macau Finalist, at iba pa.
Naikuwento pa ni Yohan na nagtungo siya sa Macau noong 2014 upang magtrabaho para magkaroon ng magandang buhay ang kanyang pamilya.
Bukod pa riyan, naging Brand Ambassadors din siya ng Le Premier Language International, Luminiscence Face and Body Care, General Trias Medical Center, Wash N’ Fresh Laundry Cafe; Endorser of Tierra MOntephine Resort Timberlake.
May BL series na rin si Yohan kasama si Miko Gallardo at handa raw siya sa mga challenges na haharapin sa pagnanais na makilala rin sa pag-arte maliban sa pagkanta.
Dahil sa pangangalaga at magagandang plano sa kanyang career ni Dr. Arthur Cruzada, asahan na ang pagningning ng bituin ni Yohan Castro.