Advertisers

Advertisers

Conscience Vote

0 220

Advertisers

All tyranny needs to gain a foothold is for people of good conscience to remain silent. — Former British Paymaster of the Forces Edmund Burke

ANO nga ba ang nakatadhana sa ‘guhit ng palad’ ng Pambansang Kamao?

Siya nga ba ang maituturing nating ‘Man of Destiny’, tulad ng sinasabi ng kanyang mga ‘bataan’ na ayon sa kanilang paniniwala ay nakatakdang mamuno sa ating bansa?



May ilan pa nga sa mga tagasuporta ng ating mahal na senador EMMANUEL ‘Manny’ PACQUIAO na gumamit ng numerology para ibidang tunay ngang si Pacman ang nakatadhanang susunod na pangulo ng sambayanang Pilipino.

Subalit paanong mangyayari ito kung sa halip na umangat ang antas sa mga nakalipas na survey ay sadyang pababa ang kanyang estado dahil naungusan pa siya ng hambog na kandidato sa pagkapresidente din na mula sa Tondo at dating hosto sa Japan.

Sa katunayan, isantabi na muna natin pansamantala ang nangungunang sina dating senador FERDINAND ‘Bongbong’ MARCOS JR. at vice president MARIA LEONOR ‘Leni’ ROBREDO sa presidential derby, na milya-milya ang kalamangan sa survey, mukhang mas malaki ang posibilidad na magwagi si Manila mayor FRANCISCO ‘Isko Moreno’ DOMAGOSO laban sa People’s Champ!

Nakakatuwang malaman na ang isang katulad ni Isko ay makalamang sa popularidad at mga nagawa sa Pambansang Kamao.

Talagang nakakapagtaka kung mangyayari ito dahil kung susuriin ay walang bahid ng anumang kapintasan (tulad ng korapsyon) ang ating boxing idol kung ihahambing siya sa katauhan ng alkalde ng Maynila na minsang nakasuhan sa usapin ng mga ‘ghost employee’ sa city hall.



Isa nga lang umano ang maiipintas kay Pacman at ito nga raw ay hindi sapat ang dunong at karanasan niya para maging karapatdapat na tagapagmana ng trono sa Malakanyang.

Isa pang isyu para pagdudahan ang kalamangan sa survey ni Isko kay Pacquiao ay ang katotohanang natalo na ang mayor ng Maynila noong tumakbo siyang senador kaya paanong mangyayaring maungusan niya ang mahal nating boxing idol?

Hindi kaya ang dahilan dito ay dahil sa mali ang estilo ng pangangampanyang ikinasa ng mga taong pinaniniwalaan ni Pacman kaya bagsak siya sa survey?

Sabi ng People’s Champ, ang target niyang bumoto sa kanya ay yaong nasa lower C, D at E na antas ng ating lipunan. May katuwiran siya rito dahil mas malaki ang bilang ng mga ito.

Dangan nga lang ay paano maniniwala ang mahihirap kung ang mga taong nakapaligid kay Pacquiao ay nakasuot ng mamahalin at magagarang damit at nakasakay sa mga luxury car?

Bukod dito, sobrang manlait pa ang mga tao ni Pacquiao, tulad ng naranasan ng inyong lingkod na minsang sinabihan ng media bureau chief ni Pacman na ‘anak ng pulubi’ at nagmakaawa daw na mapasama sa Team Pacquiao bilang writer.n

Gayun man, sa kabila nito, ang totoo’y iboboto ko pa rin si MANNY PACQUIAO sa nalalapit na halalan sa Mayo 9 at ito ay bilang ‘conscience vote’ para pansariling paniniwala’t paninindigan.

* * *

PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!