Advertisers

Advertisers

PAGBAWI SA ILL-GOTTEN WEALTH DAHILAN NG PAGTAKBO NI LACUNA

0 430

Advertisers

Corruption is paid by the poor – Pope Francis

WALANG kadala-dala ang mga Lacuna, mula sa multi-million anomalya sa Liga ng mga Barangay, sabit na naman sila sa multi-billion kaso na isinampa ng mga tindera ng Divisoria Public Market sa Ombudsman, kamakailan.

Hindi na natuto sa kanilang mga magulang na sina dating Vice Mayor Danilo Lacuna at Melanie “inday’ Honrado-Lacuna na convicted sa Sandiganbayan 3rd Division dahil sa pagkakaroon ng mga kuwestyonableng ari-arian habang nakapuwesto sa city hall mula 1998 hanggang 2004.



May resibo ‘yan!

***

MAARI n’yo i-check sa Ombudsman website ang mga kaso ng pamilyang Lacuna na may civil case no. SB-12-CVL-002 for forfeiture of unlawfully acquired properties na nadesisyunan noong July 7, 2020 sa kasagsagan ng pandemya.

Sina Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang , Associate Justice Sarah Jane Fernandez at Bernelito Fernandez ang humatol sa pamilyang Lacuna at pinababalik ang mga ari-arian naipundar mula sa katas ng pondo ng Maynila nang isa-pinal ang desisyon matapos ibasura ang motion for reconsideration noong January 8, 2021.

Malinaw ‘yan mga katoto!



***

ITO ang dahilan kung bakit tumatakbo at kailangan manalo ni outgoing Vice Mayor Honey Lacuna sa pagka-Alkalde ng Maynila.

Nais niyang mabawi ang mga kinukumpiskang ari-arian ng anti-graft court mula sa kanyang pamilya. sinimot kase ng Sandiganbayan ang mga properties nila!

***

NARITO ang mga properties na pinakukumpiska at ipinasasauli ng Sandiganbayan pabor sa gobyerno ay ang kinatitirikan bahay at lupa ng pamilyang Lacuna sa No. 3802 Biyaya St., Bacood, Sta. Mesa (Biyaya Property); House and Lot na nasa No. 541 Saklolo cor Biyaya Sts., sa Sampaloc (Saklolo Property) na ilegal na naipundar ni Lacuna bilang Vice Mayor noong 1999.

Ang lote nagkakahalaga ng P2.8M sa Tagaytay City (Tagaytay property), na nabili noong 2000; isang Honda CRV at Hyundai Starex; limang (5) shares of stocks na umaabot sa P6,605,000.

Kaya sabi ng mga Manileno: anybody but Lacuna!

YORME, LACUNA SABIT NA NAMAN SA PONDO NG MAYNILA

NITONG Abril 26, tuluyan nang binasag ang katahimikan sa kontrobersyal na bentahan ng Divisoria Public Market.

Pormal na silang sinampahan ng kasong graft o paglabag sa R.A. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang mga responsable at may pakana ng maanomalyang bentahan ng palengke.

Mga iskorap!

***

NANGUNA sa listahan ng mga korap, este kinasuhan sina Yorme Isko Moreno, Vice Mayor Honey Lacuna, Councilor Joel Chua, Jong Isip, at Bernardito Ang, Secretary to the Mayor

Kasama rin si Manuel Zarcal, assistant secretary to the mayor dahil sa maanomalyang pagbenta sa naturan public market.

Kaya goodluck sa inyo mga sindikato!

***

ITO na ang ikatlong kaso naisampa kay Yorme mula ng maging politiko na nagsimula sa pagiging bold starlet.

Nasabit na noon pa si Yorme sa P720M ghost employees na isinampa sa kanya noong Vice Mayor pa lamang noong 2011, P77M plunder case naman na isinampa ng limang barangay officials noong 2014 patungkol sa boundaries ng real estate tax at ang P1.44B pagbenta sa Divisoria.

Mula sa milyones, bilyones na ang kasuhan!

***

NAKU, mga katoto, huwag na tayong magpabudol sa mga ito, lalo na sa pamilyang L:acuna na ang tanging intesyon ay makabawi sa nawala nilang mga properties.

Malinaw ang desisyon ng Sandiganbayan: “This disproportion creates a disputable presumption that the properties acquired from 1998 to 2004 were unlawfully acquired and that the respondent-spouses (Danilo and Melanie Lacuna) have the burden of rebutting the presumption. “

Isoli n’yo ninakaw nyo!

***

(Ang Parating na ang Pagbabago ay lumalabas tuwing Lunes at Huwebes, mababasa rin sa digital platform ng policefilestonite.net)