Advertisers

Advertisers

Gov. Dolor, walang aksyon sa pamamayagpag ng operasyon ng jueteng sa Oriental Mindoro

0 226

Advertisers

MATAPOS nating kalampagin ang pamamayagpag ng operasyon ng jueteng sa Oriental Mindoro na sinasabing pino-protektahan ng maimpluwensiyang pulitiko ay sunod-sunod na tayong nakakatanggap ng sumbong via text messages:

Walang pangingimi ang isa nating tagasubaybay sa kanyang kahilingan na kasuhan umano ang kanilang gobernador na si Humerlito “Bonz” Dolor sa umanoy pananahimik at koneksyon umano sa iligal na sugal na jueteng na nagkukubli sa STL at PnB sa kanyang AOR.

Nanawagan din siya na aksyunan ni Dolor ang illegal number games sa Oriental Mindoro.



Sa kanyang text, nanawagan din ito kina DILG Sec. Eduardo Año at PNP Chief Dionardo Carlos na sampahan ng kasong administratibo ang nabanggit na government officials dahil sa posibleng pangungunsinti umano nito na mag-operate ng jueteng ang umanoy Global Tech sa buong probinsya.

Pinalilitaw umano ng Global Tech na kunyari ay lihetimong operasyon ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Perya ng Bayan (PnB), Small Town Lottery (STL) at Lucky Binggo ang pa-jueteng sa naturang lalawigan na may permit diumano ni PCSO General Manager Royina Garma.

Saganang akin, may katwiran ang ating taga subaybay sapagkat patunay ang daang-bilang ng mga kubrador at kabo na ang naaresto ng mga otoridad at kumpirmado na nagmamantine nga ng jueteng ang buong lalawigan ang mga makakapangyarihang personalidad na namamahala ng Global Tech at ginagamit nga na front ay ang ipingbabawal ring PnB at STL.

Bago umano mag-lockdown noong Marso 2019 ay namamayagpag na ang pa-jueteng na ang gamit ay PnB, Lucky Bingo at STL.
Ayon sa ‘info’ isang alyas Dela Roca at dating PNP Provincial Director sa nasabing lalawigan na ngayon ay Heneral na ang umanoy namamahala sa iligal na sugal na talamak ngayon sa lalawigan.
Matatandaang pansamantalang napahinto ang operasyon nito nang magbigay ng direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte na ipatigil ang lahat ng operasyon ng sugal sa buong bansa kasabay ng pamimiyapis ng COVID 19 virus.

Sino nga ba itong “police general” at “alas” na ginamit ng Global Tech simula pa noong June 1, 2019 na taga kapitolyo na nakipag pulong diumano sa isang 5 start hotel sa maynila at matapos ang kanilang meeting ay nakapagsimula muli ang bolahan ng jueteng sa buong probinsya gamit na prente ay ang operasyon ng PnB, Lucky 9 Binggo at ngayon naman ay STL?
Hindi pala talaga tayo nag-iisa sa paglalantad ng katotohanan pagkat maging ang payak na mamamayan ay tumutuligsa sa di pag-aksyon sa kanilang gobernador at hiniling na nga nito kina Sec. Año at PNP Chief Carlos na kasuhan ang kanilang Gobernador maging ang ilang tiwaling alkalde sa Oriental Mindoro.



Balewala lang ang direktiba nina Sec. Ed Año at PNP Chief Carlos na “No Take Policy” at “Marching Order” sapagkat nakatimbre diumano ang operasyon ng Global Tech sa kapitolyo?

Hindi lamang takot, kundi malamang ay tama din ang balita na may milyones na cash-unduan sa pagitan ng Global Tech at LGU’s sa Oriental Mindoro para sa pamamayagpag ng jueteng na kunyari ay legal na PnB, Lucky Binggo at STL.

Dalawang beses sa isang araw ang resulta ng jueteng na binobola dyan sa may Flying V Gas station sa pamamagitan ng ‘holen’ kung saan malapit at matagpuan ang kinaroroonan ng provincial capitol.

Ayon sa impormasyon umaabot sa halos Php 1.5- milyon ang kubransa ng jueteng kada bola sa bayan ng Puerto Galera, Baco, San Teodoro, Naujan, Victoria, Socorro Pola, Pinamalayan, Bansud, Bongabong, Mansalay, Gloria, Roxas, Bulalacao at Calapan City.

Sa dalawang bola araw-araw ay umaabot ang kubransa sa jueteng sa mga nabanggit na bayan at siyudad sa Oriental Mindoro ng di kukulangin sa Php 12 milyon kung hindi tayo nagkakamali.
Kalahati diumano ng nadadale ng Global Tech ay naibubulsa ng kanilang mga protektor na kinabibilangan ng ilang matataas na opisyales ng MIMAROPA Regional Police Office, Oriental Mindoro Police Provincial Office, local police, provincial at local government officials at maging ng mga barangay official.
Subaybayan natin!

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan,10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing biyernes 9;00-10;00am 98.9 FM RADYO NATIN Roxas, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City at tuwing Biyernes 8:00-9:00am at Sunday 12:00nn-1:00pm sa DWXR 101.7 FM Mapapanood live streaming at Youtube chanel.