Advertisers

Advertisers

KUYA RICHARD ADVINCULA,ANG TAONG DAPAT PARA SA PASAY!

0 354

Advertisers

KULANG isang lingo na lamang at araw na ng pagpapasya nating mga Pilipino kung sino ang ating pipiliin at pagkakatiwalaan para tayo ay pamunuan at pagserbisyuhan.

Mainit ang laban sa lebel ng nasyonal na eleksyon pero tila kasing init din ang labanan sa lokal na halalan partikular na sa mga pangunahing lungsod dito sa Metro Manila.

Sa Pasay City for instance, hinahamon ni opposition bet at former City Councilor Richard Advincula ang dekada nang pamamayagpag ng lahing Calixto sa city hall.



Isang tunay at may pusong pagseserbisyo sa tao na nakasentro sa katapatan at malinis na paglilingkuran sa mamamayan ang iniaalay ni Richard Advincula.

Matapang at matutulis na pananalita ang mga binibitawan ni Advincula sa kanyang mga caucuses at pagharap sa mga Pasayenos.

Mga salitang kumokondena sa tila malatubang pagpapatakbo ng mga Calixto sa pamahalaang lungsod sa mahabang panahon.

Nais ni Advincula at ng Team ABA na binubuo nina Vice Mayoralty candidate Tina Bernabe at Congressional bet Choy Alas na mabatid ng mga Pasayenos ang kanilang mga plano upang ibangon hindi lamang ang kalalagayan ng mga taga-Pasay sa gulapi nitong estado kundi itayo ang dangal ng mga dakilang Pasayenos.

‘Pasayenos deserved more dignity ang love from their leaders’, ayon pa kay Advincula.



Isang tapat at hindi korap na liderato ng lungsod ang nararapat sa mga residente at mamamayan ng Pasay.

Hindi ‘sugar coated’ at pakitang-tao lamang.

At lalong hindi plastic at mapagkunwari.

Sa ilang dekada ng mga Calixto sa poder, ayon pa kay Kuya Richard, tanging ang mga Calixto lamang ang umasenso.

Naiwang naghihirap at nakayakap sa lupa ang mga Pasayenos.

Walang maayos na health services lalo na ngayong pandemya.

Ang Patay este Pasay City General Hospital (PCGH) ay nananatiling ghost hospital na kulang sa lahat ng mga pangangailangan mula sa mga dalubhasang manggagamot, medisina at hospital equipments.

Ang allowances ng mga senior citizens at mga estudyante ay pangkaraniwan nang delay at tila napapakinabangan pa ng ilang kamag-anakan ng mga opisyal na nakaupo at nanenegosyo.

Kung may naibibigay mang allowances, ito ay pahirapan pa at halos ikamatay na ng mga recipients bago makuha.

Magulo ang sistema at may malawak na kultura ng korapsiyon sa mismong loob ng city hall.

Ang team ni Kuya Richard na kinabibilangan ng mga kandidatong konsehales nito sa 1st at 2nd district ng lungsod kasama na si vice mayoralty at congressional bets Tina Bernabe at Choy Alas ay naniniwala na sa Mayo 9, handa na ang mga Pasayenos na magpakatotoo.

Tatanggapin ang nakasanayan nang perang ipinamamahagi tuwing araw ng halalan ngunit this time around, susundin na nila ang dikta ng kanilang konsensiya at pag-iisip para isulat ng tama sa balota ang mga pangalang kanilang pagkakatiwalaan at iindorso ang kanilang kinabukasan.

Sa kamay ni Kuya Richard Advincula at sa Team ABA nakasalalay ang bukas nang may ilang dekada nang tinotolongges na mga Pasayenos.

Ihalal ang dapat na tao para sa Pasay!

Richard Advincula at Team ABA ang isulat sa balota!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com