Advertisers

Advertisers

Andrew walang kumpetisyon kina Aga at Nino

0 407

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

NAKAPAGBIDA na si Andrew Muhlach sa barkada movie na Squad Goals noon kaya excited siya nang masundan ito pero this time ay sa suspense-horror genre via Yam Laranas’ Rooftop.
Ayon kay Andrew, hindi tulad ng papel niya sa nasabing movie, hindi raw naman siya pasaway sa tunay na buhay.
May disiplina raw kasi siya lalo na’t pagdating sa trabaho.
Sa isyu, kung napre-pressure ba siya lalo na’t successful ang showbiz careers ng half-brother niyang si Aga at pinsang Nino na tinagurian noong D Child Wonder, ayon kay Andrew, ini-enjoy lang daw niya ang proseso ng kanyang pag-aartista.
Ayaw daw niyang isiping nasa showbiz siya para makipag-compete sa dalawa na aniya’y hindi na matatawaran ang naging kontribusyon sa industriya.
Dagdag pa niya, nagpapasalamat siya dahil suportado ng mga ito ang kanyang pag-aartista.
Sey pa ni Andrew, kung bibigyan daw siya ng solo launching movie ng Viva, bet daw niyang maitawid ito sa isang comedy film.
Puwede raw siya sa naughty comedy pero hindi pa raw niya kaya ang ginawang paghuhubad ni Wilbert Ross sa title roler nitong “Boy Bastos”.
Ang pelikula niyang Rooftop ang kauna-unahang Tagalog movie na nagbukas sa mga sinehan sa panahon ng new normal.
Bukod kay Andrew, kasama rin sa cast sina Ryza Cenon, Marco Gumabao, Ella Cruz, Rhen Escano, Marco Gallo, Epy Quizon, Allan Paule, atbp.