Advertisers

Advertisers

ANO NA KAYA ANG MAGIGING KAPALARAN NG ATING BANSA SA SUSUNOD NA ADMINISTRASYON?

0 2,438

Advertisers

MARAMING kababayan natin ang nagtatanong kung ano na kaya ang magiging kapalaran ng ating bansa sa susunod na administrasyon matapos ang halalan sa Mayo 9,2022.

Siyempre pa matic na rin na tapos na rin ang termino ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kung kaya’t panibagong lider at Presidente ng Pilipinas na naman ang papalit matapos ang anim na taon panunungkulan ng una.

Kung sino man ang papalarin na mahalal bilang bagong Presidente, tungkulin at obligasyon nitong akayin at gabayan ang mamamayan tungo sa kaunlaran at progreso sa abot ng kanyang makakaya.



Hindi rin natin ito masisisi kung mapapariwara at lalong malubog ang Pinas dahil siya ang ating hinalal at niluklok sa liderato kumbaga ay tayo mismo ang tumanggap ng kanyang applikasyon.

Iyan naman ay ilan lang sa mga optiyon na maaari nating maranasan sa susunod na Pangulo ng ating bansa, no regrets daw.

Bago pa man dumating ang May 9 elections, atin ng narinig ng maraming beses ang kanilang sina-sambit na mga plataporma kasama na diyan ang kanilang mga programa na may kalakip siyempreng pangako.

Meron nagsabing magiging P20 na lang ang isang kilo ng bigas, bababa ang presyo ng kuryente, wala ng magiging pulubi, trabaho para sa lahat, masaganang pagkain sa ibabaw ng ating hapag-kainan, libreng edukasyon at marami pang iba.

Ang lahat ng ito ay bokilya pa lang at wala pang kaganapan, pawang pangako pa lang na sana’y huwag mapako. Huwag tayong masyadong umasa dahil tayo rin ang kawawa at magsisising alipin sa bandang huli.



Mahuhusay at pawang magagaling naman silang lahat sa lahat ng aspeto. Mas lalong hindi padadaig ang mga ito pagdating na sa siraan at silipan ng kani-kanilang mga baho, kanya-kanyang pakara na halos buhatin ang sarili nilang mga bangko.

Ayon sa mga eksperto, kailangang may angking talino at kakayanang hindi basta-basta ang susunod na Presidente sa kadahilanang aakuin at sasaluhin nilang lahat ang problema, obligasyon at responsibilidad na iiwanan ng dating administrasyon.

Ilan sa mga problemang ito ay ang sinimulan na hindi natapos, ang mga kasong nakabimbim, mga inprastruktura bitin pa at ang naiwanang utang nito na umanoy higit-kumulang sa P15-TRILYON.

Susmaryosep, san kamay ng Diyos natin kukunin ang pambayad nito. Dito na daw masusubukan ang galing , husay at kakayanan ng hahaliling Presidente na dapat may tibay ng loob, tiyaga na sinasabing susi upang ma-resolba ang mga problemang ito kahit na unti-unti.

Sa kabilang dako ay naging saksi rin naman tayo sa anim na taong termino ni Pangulong Duterte bilang isang Presidente. Ang anim na taong ito ay hindi basta-basta dahil ito ay puno ng pagsubok at sakripisyo.

Dito na yata sa termino ni Digong naranasan lahat ng kamalasan at mga kahindik-hindik na pangyayari tulad ng malalakas na bagyo, lindol, pag-sabog ng bulkan, kahirapan at ang pinakagrabe dito ay ang dalawang taon na nasa panahon tayo ng pandemya dulot ng covid19 na kung saan maraming kababayan natin ang namatay at sobrang pinahirapan ng virus na ito.

Maski naman sinong nakaupong Presidente ay malamang na sumuko at magbitaw sa kanyang tungkulin dahil sa sobrang hirap na dinanas ng bansa at ng kanyang mga mamamayan.

Pasalamat pa rin tayong lahat na maski papaano ay naitawid niya tayo sa comfort zone na kung saan hindi na masyadong matiindi ang kamandag ng nasabing virus.

Sa awa ng Poong Maykapal ay nagabayan niya ang kanyang mga kababayan at naiahon sa hirap kahit man lang konti hanggang sa mga huling araw niya bilang Presidnte.

Maski papaano ay nagpamalas pa rin siya ng kakaibang husay at talino kung kaya’t dapat pa rin siyang puriin, hangaan at higit sa lahat ay pasalamatan dahil halos malagpasan na natin ang delubyo at ngayo’y nasa panahon na tayo ng new normal na pamumuhay.

Sana’t manawari ay mas higitan pa ng susunod at magiging kapalit niyang lider ang mga responsibilidad at tungkulin niyang ginampanan sa kanyang anim na taong termino.

Atin ding palaging isaksak sa ating kukote na ” the voice of the people is the voice of God”…” Vox populi, Vox Dei”…