Ate Rose Lin, nanawagan ng malinis at mapayapang halalan!
Advertisers
ISANG malinis at mapayapang halalan sa Lunes, Mayo 9, 2022 ang panawagan ng leading Congressional candidate na si Ate Rose Lin hindi lamang sa Distrito 5 ng Quezon City kundi sa buong Pilipinas.
“Iisa lamang po ang hangarin ko at ito ay ang magkaroon tayo ng isang malinis at mapayapang halalan hindi lamang po sa ating pinakamamahal na Distrito 5 kundi sa buong lungsod ng Quezon at sa buong Pilipinas,” pahayag ni Ate Rose Lin.
Idinagdag pa nito na…” Kapag naranasan po natin at nakamit ang isang genuine honest and peaceful election, ito po ay tagumpay hindi lang para aming mga kandidato, kundi tagumpay din ng lahat ng mga botante, ng mamamayan, ng bansa at ng demokrasya.”
Ayon sa kampo ni Ate Rose Lin sa simula pa lamang o bago pa manganpanya ay iisang lang ang hangad ng Ate ng Distrito 5, at ito ay ang magkaroon ng payapa at positibong kampanya. Malaki ang pagtutol ni Ate Rose Lin sa negative campaigning, ayon sa abogado nitong si Atty. Manuel Jeffrey David.
“Iisa lang naman yung nagne-negative campaigning dito eh. Alam nyo naman kung sino yan di ba? Parang on our end, sabi nga ni Ate Rose Lin pinasa-Diyos na niya yan. Ayaw niyang patulan yan. Kasi nga itinataas namin ang lebel at antas ng pulitika. Hindi kami nandito para manira ng tao. Hindi kami nandito para mangyurak ng pagkatao ng ibang kandidato. Wala kaming ganyang habulin dito. In fact sasabihin ko nga, may nagpost na isang kandidata rin ho. Ang sabi niya pagkatapos ng eleksyon, magkakaibigan na uli, ” sabi ni Atty. David.
“Kami naman ho, iyan ang pananaw namin. Kasi alam namin kapag palarin kaming manalo kailangan din naman namin ang tulong nila. Kailangan din namin silang kupkopin. Stakeholder sila dito, kasi sila yung matagal na sa distrito. Sila yung matagal ng nakakaalam ng mga pangangailangan ng distrito, pasensyahan na lang tayo hindi natutugunan. Pero ang point namin dito is yan ho ang intensyon namin dito,” dagdag pa ng abogado.
Iisa lang ang nais patunayan ng kampo ni Ate Rose Lin at ito ay kaya nilang manalo sa malinis na paraan at walang sinisiraan.
“Itinataas namin yung lebel ng pulitika sa distrito. Gusto naming ipakita na kayang manalo ng isang pulitiko nang walang sinisiraan,” pagtatapos ni Atty. David.