Advertisers

Advertisers

Iwa tiniyak, mas ok ang debate na Leni vs Ping; Binash din ng netizens sa pakikialam sa presidente ni Jodi

0 449

Advertisers

PINOST ni Iwa Moto sa Instagram na mas ok daw kung ang magdedebate ay sina Vice President Leni Robredo at Panfilo “Ping” Lacson.
Tiniyak ni Iwa na hindi raw aatrasan ni Lacson pag hinamon siya ni Robredo ng debate.
“Feeling ko mas maganda na Leni Vs Ping ang mag debate,” sey ni Iwa.
“Sure ako di aatras si @iampinglacson pag siya ang naimbitahan mag debate. Naisip ko lang naman. Interesting diba?” aniya pa.
Samantala, hindi pa rin umano makalimutan ng ilang netizens ang pahayag ni Jodi Sta. Maria na si VP Leni ang kandidato niya sa pagka-pangulo kaya nagreak si Iwa na hindi na lang daw sana ito inilantad ng aktres alang-alang sa kapwa nila ‘biyenan’ na si Ping.
Nagkomento rito ang ilang netizens na nagsasabing hindi na raw ito dapat pakialaman pa ni Moto.