Advertisers
Nakakasigurado na ang LPG Marketers Association (LPGMA) Party-list ng di-bababa sa isang puwesto sa susunod na Kongreso base sa pinakabago at huli nang survey ng Social Weather Stations (SWS) para sa mga party-list group bago ang halalan sa Mayo 9.
Sa nasabing SWS survey na isinagawa noong Abril, rumanggo nang panglima ang LPGMA Party-list kung saan pinili ito ng 3.02% ng respondents o katumbas ng mahigit 1.3 milyong boto.
“This is a result of the information campaign that we have been conducting over the past year about the importance of consumer safety and providing access to fair-priced liquified petroleum gas (LPG) in the market,” ani LPGMA Rep. at first nominee Allan Ty bilang kanyang tugon sa magandang resulta ng survey para sa kanilang grupo.
Napakalaki ng nangyaring pag-angat sa survey ng LPGMA Party-list noong nakaraang buwan kung ikukumpara sa kaparehong survey na ginawa ng SWS noong Marso kung saan nasa pang-30 lang ito sa 1.19% o katumbas ng mahigit 500,000 boto.
Sinabi ni Ty na nakatulong nang malaki ang kanilang pag-iikot sa mga komunidad upang mabatid ng mga mamamayan na ang LPG ay isang importanteng produkto para sa milyon-milyong tahanang Pilipino at kailangang siguruhin ang kaligtasan ng lahat ng mga gumagamit nito sa pang-araw-araw.
Ang LPG ay hindi lang para sa mga kalan kundi pati na rin sa mga sasakyan at ilang heating appliances na karaniwan sa ibang bansa kung kaya itinatakda ang mataas na pamantayan sa paggamit nito.
“The recent law enforcement operations that comply with Republic Act 11592 or the LPG Industry Regulation Act is an achievement that Filipinos can celebrate. The LPG Law provides safeguards to the public against illegal trading, selling, storage and refilling of LPGs in the country,” ani Ty.
Nananalig ang kinatawan ng LPGMA Party-list na magpapatuloy ang kanilang representasyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso lalo’t kailangang protektahan ang mga Pinoy consumer laban sa mga mapagsamantalang illegal dealer na nagbebenta ng mga substandard at depektibong LPG na maaaring pagsimulan ng sunog na maaaring makakitil ng mga buhay at makawasak ng mga ari-arian.
“Our purpose and vision is to be at the frontlines of promoting safety in the Philippines – first by advocating for safety production, distribution and use of LPG especially among Filipino households, and second by ensuring safety in general – whether at the workplace, in the streets, in school, and even in family and community relationships,” aniya.
Sa patuloy na pagtutulak ng LPGMA Party-list para sa buo at mahigpit na implentasyon ng kinampeon nitong LPG Law, marami nang operasyon ang pulis at ng iba pang ahensiya ng pamahalaan ang nakapagpasara ng mga ilegal na tindahan ng LPG at nakapagpakulong sa mga mapagsamantalang negosyante.