Advertisers
Lingid sa kaalaman ng karamihan, marami ng natulungan ang LUNAS Partylist sa sektor ng mga ‘no-work, no-pay’ na manggagawa bago pa man ito magsimulang makilahok sa mga aktibidad para sa darating na halalan sa Mayo.
Noon pa lamang kasagsagan ng pandemya ay nagpahatid na ng tulong ang LUNAS Partylist sa mga miyembro ng music industry na isa sa mga matinding naapektuhan ng mga lockdowns ng dahil sa COVID-19.
Ang mga musikero, singer at iba pang nagtatrabaho sa music and entertainment industry ang mga unang nawalan ng kita dahil isinara noon lahat ng pubs, concert halls at bars.
Isa si Juliet Tan, ang violinist ng Kadense female duo, na napatunayan ang kusang loob na pagtulong ng LUNAS Partylist sa gitna ng pandemya.
“Ang LUNAS ang unang tumulong sa amin sa kasagsagan ng pandemya. Nagbigay sila ng tulong ng hindi namin hinihingi dahil totoo ang malasakit nila sa aming mga ‘no-work, no-pay,” ayon kay Tan.
Si Ronnie Cruz ng LUNA Band na nai-stroke noon at hindi malaman kung kanino hihingi ng tulong ay nagulat na lamang ng magpahatid ng tulong ang LUNAS sa kanya.
“Patunay ito ng kabutihan at kusang pagtulong ng LUNAS Partylist sa mga tulad naming ‘no-work, no-pay,” ani Cruz.
Kaya naman ang mga sikat na musicians, banda at grupo na tulad nina Paolo Santos, Jimmy Bondoc, Side A, December Avenue, Shamrock, LUNA band at Palawan Sound Organization ay todo ang suportang ipinapakita sa LUNAS.
Batid ni LUNAS Partylist first nominee Brian Raymund Yamsuan ang mga paghihirap ng mga musikero at iba pang miyembro ng music industry, dahil ang kanyang yumaong ama ay nagtrabaho bilang band musician na kapag walang tugtog o ‘gig’ ay wala ring kita.
Bukod sa music industry, ang mga ‘no-work, no-pay’ na mga couriers at delivery riders ay natulungan rin ng LUNAS sa pamahahagi nito sa kanila ng mga food insulation boxes para maging maayos ang kanilang paghahatid ng mga online orders.
Maging sa labas ng Metro Manila ay nagpadala noon ng tulong ang LUNAS. Namahagi ito ng mga food packs at medical supplies tulad ng thermometer, blood glucose kits, sphygmomanometer, nebulizer at iba pang gamit sa Rizal, Antique, Palawan at iba pang lalawigan sa Visayas at Mindanao.
Isang industriya na marami ring ‘no-work, no-pay’ workers ay ang sektor ng turismo. Naparalisa ang sektor na ito noong pandemya.
Isa sa mga nabigyan ng tulong ng LUNAS sa tourism industry ang mga fisherfolk, tour guides, van drivers, at tourist banca operators na kasapi ng Sabang Seaferry Multipurpose Cooperative sa Palawan. Mahigit isang taon silang walang kinita dahil sa pandemya kaya’t malaki ang pasasalamat nila sa LUNAS na agad noong nagpadala ng tulong ng malaman ang kalagayan ng mga taga-Sabang.
Ang LUNAS Partylist ay numero 58 sa balota sa halalan sa Mayo 9.