Advertisers
Ni BETH GELENA
AMINADO si Maja Salvador na hanggang ngayon ay nasa cloud 9 pa rin siya kahit dalawang linggo na ang nakalilipas nang mag-propose sa kanya ang non-showbiz boyfriend na si Rambo Nunez.
Sa Instagram ng aktres, may uploaded photos si Maja with
her fiancé na very sweet silang nagtitinginan sa isa’t isa habang nakaupo sa hagdan while wearing matching green outfits.
“Mag 2 weeks na pero nasa cloud 9 pa rin ako. ILY @rambonunez. Nakakagigil!” caption ni Maja.
Nag-propose si Rambo kay Maja last April 17.
Wala pang detalye kung kelan at saan ang kanilang wedding ceremony.
***
KASO SINAMPA NI ANNABELLE RAMA KAY JAYKE JOSON UMUUSAD NA
SINAMPA na umano ang demanda ni Annabelle Rama sa former staff ni Senator Manny Pacquiao na si Jayke Joson.
Cyber libel ang ikinaso kay Jayke.
Ayon sa atorni ni Jayke na si Atty. Garduque, alam na raw ni Annabelle ang bagay na ito at pagdating daw ng kaso sa Clerk of Court ng Quezon City, ira-raffle raw ito agad para alam kung saang branch ito didinggin.
Ayon naman daw kay Annabelle, she’s wil-ling to attend in every hearing. Kung ano ‘yung ipatatawag siya ng korte regarding that, she will go with the procedure, and she will respect whatever will be the decision that will be issued by the court.
“Ipa-follow niya lahat na mga procedure, maki-cooperate siya kung kailan siya kailangan sa korte,” pahayag ni Atty. Maggie Abraham-Garduque.
Nilinaw rin ng abogado na hindi pa umakyat sa korte ang ikinaso ni Jayke sa kanyang kliyente.
Aniya: “Nag-file kasi si Jayke sa NBI. Hindi niya diniretso sa Fiscal. Kami, nag-file kami ng October pero diretso kami sa Office of the Prosecutor, sa Quezon City.
“Nag-file si Jayke ng case against Tita Annabelle sa Office of the City Prosecutor through the NBI, January 31 na. So, nauna kami sa QC. So, mas nauna kami sa resolution ‘yung sa amin. ’Yung sa Las Pinas ‘yung may Jayke, wala pang resolution.”
Samantala, ayon naman sa ilang taong malapit kay Jayke, hindi pa raw nila ito nakakausap.
***
KIM NA-CÙRIOUS SA SPOKESMAN
MAY asking question si Kim Chiu thru her Instagram account.
“Uhm curious lang po? Bakit parang mas si sir spokesperson yung laging sumasagot, nakikita at humaharap? Sha po ba tatakbo? diba campaign period pa lang? Dapat yung nag-aapply yung sasagot. Just like in any other JOB APPLICATION or JOB INTERVIEW.
Nilagyan pa niya ito ng #nobashing #justcurious.
May screenshot pa siyang ibinahagi mula sa Philippine Star na “Bongbong Marcos’ spokesperson Vic Rodriguez responded to presidential bet VP Leni Robredo’s dare to hold one-on-one debate, saying that they refuse the challenge.”
Ang mga utaw, syempre pa kanya kanya na namang komento.
May pagkapilosopo ang komento ng netizen na ito,
“Kasi nga ‘spokesperson’? In tagalog, ‘tagapagsalita’?”
“Gets ko si Kim. Kandidatong di nakikita kasi si BBM. Pinanindigan nila un less talk, less mistake. Tingnan natin kung uubra yang palusot at style nila sa May 9. Sa job interview nga un di ka sumipot eh out ka na sa choices, yan pa. The highest position in the land. Dinaan lang sa propaganda at FAKE news. NO NO NO”
“spokeperson nga po… kaya tagapagsalita… ikaw ba spokesperson din? dami mo sinasabi eh…”
“Iba talaga kumuda ang graduate sa PBB University (referring to Kim).”
“What she meant parang si VP Leni mas visible kaysa sa spokesperson niya na si Barry Gutierrez.”
“Bakla, kakampink ako, pero trabaho niya yun to speak in behalf of BBM. Bayaan mo na siya, FOCUS tayo sa May 9 for Leni-Kiko. May mga bagay na dapat patulan at hindi patulan. Tapos na ang Job Interview bakla, nasa deliberation na tyo ng hiring process. Tulog na Kim”
“Legit question naman. Kasi mas maingay pa si Ka Leody kay BBM. Absentee candidate si BBM. Siya boboto kung walang tinta un ballpen ko. So di pa din counted sa kanya. Ganun si BBM. Ballpen na walang tinta. Kandidatong walang plataporma.”
“This OA girl talaga, kung kumuda eh akala mo may alam! Tumahimik ka nga lang Kim chu chu!”
Anyway, ilang araw na lang at eleksyon na, sana bumoto po tayo kung sino talaga ang karapat dapat na mamuno sa ating bansa.
Sabi nga nila, VOTE WISELY!!!
***
LORNA BUMILI NG PROPERTY SA ILOCOS SUR
NAG-E-ENJOY si Lorna Tolentino sa actionseryeng FPJ’s Ang Probinsyano na ang role niya ay si Madam Lily or ang First Lady.
Matagal-tagal na ring naka-lock in taping ang grupo sa Ilocos Sur at sa panahong iyon, inamin ni LT na nakabili na siya ng lupa roon.
Wala naman daw siyang balak manirahan sa Ilocos. Pero ipinasok daw niya iyon sa time sharing para kahit paano ay mapagkakitaan niya.
Ipapasok daw ang nabili niyang lupa sa time sharing ng resort
Paliwanag ni LT, “Naka-time sharing ko dun sa kung saan kami… naka-time sharing pag nandun kami.
“Yung parang puwede mo siyang parenta… kasi parang resort. Puwede mo siyang parenta yung unit mo. Part siya ng resort.”
May iba rin daw na nakabili ng property doon.
“Ang meron dun sa resort, ang mga artists din na iba pa. Sina BenCab [Ben Cabrera], sina Baldemor… meron silang pinapa-rent dun.
“Meron din sina Mayor Joy [Belmonte], sina Bingbong [Crisologo].”
Maging àng lead actor ng Ang Probinsyano na si Coco Martin ay nakabili na rin daw.
Hindi nga lang daw niya alam kung gaano kalaking property ang nabili ng aktor.
Nag-aaral na rin daw siya ng Ilocano dialect dahil fèeling daw niya ay isa na siyang Ilokana.
May kumuha rin daw sa kanya doon para mag-endorso ng isang partylist, pero wala raw siyang balak pasukin ang pulitika.
“Hindi talaga ako puwede sa pulitika. Showbiz ang aking talagang career,” sabi pa ng aktres.
Hindi alam ni LT kung kelan mag-eending ang kanilang aksyonserye, pero marami raw sa characters ng AP ang tinatapos na.
Wala rin daw siyang alam kung Darna: The Series ang ipapalit sa kanilang teleserye kapag nagtapos na ito.
Napabalita na kasing tatapusin na raw ang long-running teleserye ni Coco hanggang July at ipapalit nga raw ang Darna ni Jane de Leon.