Advertisers
BAHAGI ng pagbangon sa ekomomiya mula sa epekto ng mahigit 2-taong pandemya ay niluwagan na ng ILOCOS NORTE GOVERNMENT ang RESTRICTIONS upang mahikayat ang mga taga-ibang lugar at mga turista na pasyalan ang kanilang mga TOURIST SPOT.
Sa naging panayam ng ilang manamahayag kay GOVERNOR MATTHEW MARCOS-MANOTOC sa ginanap na GALA NIGHT sa MALACAÑANG NORTH nitong Linggo (April 1) ay inihayag nito na nagluwag na sila sa mga RESTRICTION.., na hindi na hahanapan pa ng VACCINATION CARD ang mga dadayo sa kanilang lalawigan.., ika nga kahit HINDI BAKUNADO ay welcome na.., ang kailangan lamang ay sumaIlalim sa ANTIGEN TEST bilang bahagi ng HEALTH PROTOCOLS.
Sa puspusang pangangampanya ng COMMUNICATIONS AND MEDIA OFFICE at ng ILOCOS NORTE TOURISM OFFICE ay nag-organisa ang mga ito ng 4-day at 3-nights PRESS TOUR ng mga JOURNALIST mula sa METRO MANILA upang ipakita at iparanas ang iba’t ibang kasayahan sa pamamasyal sa kanilang mga TOURIST SPOT gayundin ang iba’t ibang mga produktong ipinagmamalaki at ang “WAY OF LIFE” ng mga ILOCANO.
Ipinanood din sa mga bisita ang kanilang bagong TOURISM ADVERTISEMENT sa katauhan ng LOLA LOLITA na bukod sa pagtatampok ng mga experience nito sa iba’t ibang magagandang tanawin sa lalawigan ng norte ay naipakita ang strong family ties, values at tradition ng mga ILOCANO sa nasabing short film na idinerehe ni DIREK JERROLD TAROG at ang gumanap na LOLA LOLITA ay si BRIDGE MARTIN.., ang kaniyang anak na si JUN NAYRA at ang apo naman ay si JUSTINE BUENAFLOR.
Ang 4-day PRESS FAMILIARIZATION TOUR ay inisponsoran ng PROVINCE GOVERNMENT OF ILOCOS NORTE (PGIN) para sa METRO MANILA-BASED JOURNALISTS na pinili mula sa broadsheets, online news channels, magazine publishers, travel blogs, at mga travel influencers para makatuwang sa promosyon ng kanilang TOURIST SPOTS.
Ilan sa mga magagandang lugar na tinungo ng PRESS TOUR ay ang SOLSONA-APAYAO ROAD na maaring dayuhin ng mga nature lover, hiking sa kabundukang tanaw ang gawing ibaba; PAOAY LAKE WATER FRONT; BADOC ISLAND na siyang popular diving at surfing spot ng northern Philippines; PAOAY SAND DUNES; KABIGAN FALLS na aakyat ka sa bundok para marating ang halos 87 feet taas ng bumabagsak na tubig; PATAPAT VIADUCT na siyang ika-5 sa pinakamahabang bridge sa buong bansa; SAUD BEACH na nagtataglay ng mapuputing buhangin o white sand; KAPURPURAWAN na katatagpuan sa mga naglalakihang mga bato at rock formations na kalapit-dagat.
Ang proyekto ng PGIN ay nakatuwang ang mga ahensiyang METRO RAIL TRANSIT LINE 3; ang LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY; NORTH LUZON EXPRESSWAY at ang TARLAC-PANGASINAN-LA UNION EXPRESSWAY para sa ganap na pagbangon sa ekonomiya ng turismo sa ILOCOS NORTE.
Kaya naman mga ka-ARYA, mas mainam na bago tayo maglagalag sa iba’t ibang bansa ay ang mga tourist spot dito sa ating bansa ang ating pasyalan, tulad sa mga ipinagmamalaking pasyalan at mga paliguang-dagat lalo ngayong panahon ng tag-init.
Siyempre pa, bagama’t nagluwag sa RESTRICTIONS ang naturang probinsiya na maging ang mga hindi bakunado ay malayang.makadadayo sa naturang lalawigan ay kinakailangan din naman ang pagiging responsable sa kapaligiran lalo na sa pag-akyat sa mga kabundukan o pagsakay sa mga motorbanca para marating ang iba’t ibang isla ay.kailangan pong sumunod sa itinatagubilin ng inyong mga GUIDE ESCORT .., para maiwasan ang disgrasya o aksidente.
Bukod diyan, kung may mga sariling sasakyan ay tiyaking nasa kondisyon ang sasakyan lalo na sa pag-ahon sa mga matataas na lugar tulad ng SOLSONA-APAYAO ROAD na huwag mag-overheat ang makina ng inyong sasakyan dahil sa napakataas na kabundukan.., gayundin ang inyong celfone battery o magbaon ng POWER BANK para kung malobat ang cp ay may pang-charge dahil mamumutiktik ang inyong mga pagpapapiktyur sa ganda ng mga tanawing inyong masasaksihan!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.