Advertisers
NAGKAISA ang maraming kilalang celebrity at social media influencer na si Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang nag-iisang lider na nararapat na lider ng Pilipinas sa susunod na anim na taon.
Ilan sa dumaraming kilalang personalidad nanawagang iboto si Isko Moreno, kandidatong pangulo ng Aksyon Demokratiko, ay sina social media influencer Bryan Cristobal, mas kilala na si “Banat By,” musician Jimmy Bondoc; singer-songwriter Quest; Jay Manalo; at Billy Joe Crawford.
Dating malapit sa kampo ni Bongbong Marcos, at mabagsik bumangas kay Yorme Isko, ngayon ay nanawagan si ‘Banat By’ na iboto si Moreno.
“Nakita talaga namin ang pagbabago sa Maynila. Napaka-humble na mama. Napakalayo ng karakter ni Yorme sa ibang kandidato. Pagdating sa botohan, sabihan niyo sa kamag-anak nyo, doon tayo sa totoong public servant. Yon po ay si Yorme, wala na pong iba. Kitang-kita natin sa Maynila yan,” sabi ni Cristobal.
Ipinalangin ni Bondoc na bigyan siya ng maayos na paglilimi sa pipiliing bagong pangulo, at nakita niya, si Isko Moreno ang nararapat na iboto.
“Nag-isip po ako kung sino talaga ang nararapat, Pagkatapos po ng napakaraming pagdarasal, ang akin pong napagtanto-tanto, si Isko lamang ang nararapat na maging pangulo ng Pilipinas,” sabi ni Bondoc.
Para sa aktor na si Manalo, si Yorme Isko ang nakita niya na may tunay na pusong mapagmahal sa masang Pilipino.
“Maka-diyos, makatao, pinakita niya sa buong Manila kung paano siya tumulong, totoong-totoo. Iyan po si Isko. Kaya ito pong darating na halalan, switch to Isko. Mahal niya kayo, mahal niya ang sambayanang Pilipino,” sabi ni Manalo.
Kakayahan, ang ginawa at ginagawa ni Yorme Isko sa Maynila ang nakakumbinsi kay Quest na iboto ang 47-anyos na dating basurero, aktor na nagsikap maiangat ang sarili mula sa kahirapan.
“… What (Isko Moreno) he has established and how he has restored Manila, that’s enough for me to speak up about him. I’m not just voting Isko Moreno Domagoso the person, I’m voting for his vision, I’m voting for his capabilities. I’m voting for what he has done, I’m banking for what he has done,” sabi ni Quest.
Tunay na maaksiyon at mabilis na pagbabago ang nakikita ni Crawford na gagawin ni Yorme Isko kung mananalong pangulo.
“Kailangan natin ng lider na kayang humarap sa anumang pagsubok. Lider na kayang punan ang pangangailangan ng mahihirap. Lider na sa tingin ko nagpapahalaga sa edukasyon at lider na kailangang ipaglaban ang ating bayan. Kaya ako sa darating na Mayo masasabi ko, Isko ako,” sabi ni Crawford.
Unang nagtiwala sa karismatiko at maipagmamalaking kakayahan ni Yorme Isko at sinseridad nito ay si award-winning veteran actress and Deputy House Speaker Vilma Santos-Recto was among the earliest celebrity to support Moreno’s presidential bid, .
Maka-Diyos at tunay ang hangarin ni Yorme Isko na maiangat ang kalagayan ng mamamayang Pilipino, sabi ng beteranang aktres at dating alkalde, gobernadora ng Batangas.
“Yorme Isko is an inspiring and God-loving leader and we can see his drive to serve the Filipino people with a heart, hope, and action. With what he did to Manila, especially during this pandemic, we saw his focus and sincerity as a leader,” sabi ni Vilma.
“The best candidate for president si Yorme Isko Moreno,” sabi naman ng aktres na si Vivian Velez, na lider ng Isko Tayo Coalition.
Para kay Mocha Uson , si Yorme Isko ay isang “a man of action who has the proven ability to lead and fulfill his promises to the people.”
Ilan pa sa naniniwalang si Yorme Isko ang may katangiang mamuno sa bansa ay sina Arianne Bautista, aktres, modelo at dating host sa GMA Network Arianne Bautista; modelo at host Christine Samson at aktor at social media influencer Jericho Arceo.
Naniniwala naman si Instagram star at model Keana Louise de Leon na mapagiginhawa ni Yorme Isko ang bansa sa programa nitong 10-point Bilis Kilos Economic Agenda.
Naniniwala rin si gaming at video creator Maine Eugenio sa programang pabahay, edukasyon,, health care at trabaho.
Iba pang nageendorso kay Isko Moreno ay sina Lou Veloso, Rez Cortes, Mikee Quintos, Aljur Abrenica, Pio Balbuena, Charlie Fry, singer-comedian-host KitKat, actress, StarStruck finalist Diva Montelaba, and social media influencer KimShy Moves, at sina Luke Mejares, Wendell Ramos, Basilio and Smugglaz, YoungOne, Range999, Hotdog, South Border, Sex Bomb New Generation and Mocha Girls. (BP)