Advertisers
SA kabila ng mga batas na nagpapakulong sa mga kriminal o magsasawata sa krimen, bakit kaya lumolobo pa rin ang kriminalidad sa bansa?
Dahil ba sa may piniili ang pagpapatupad sa batas o maraming butas ang batas kaya nakalulusot ang mga kriminal na kinakasuhan?
Bagamat hindi abogado si senatorial aspirant Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar pero isang retired police officer na naging PNP Chief, sa kanyang paglingkod sa bayan bilang pulis, naranasan, nakita at naobserbahan niya na butas-butas ang pinaiiral na batas sa bansa kaya may mga kriminal na nagagawang malusutan ito – technically o through influence.
‘Ika nga ni Eleazar, na ang masyadong mabagal na pag-usig sa mga kaso ay sintomas ng mabagal at bulok na sistemang kailangang baguhin. May mga kaso pa aniyang inaabot pa ng ilang taon bago mausig.
“Justice delayed is justice denied. Maraming mga kaso na inaabot ng taon bago madinig sa korte. ‘Yung iba dahil sa tagal ng usad ng kaso, hindi na lang itinutuloy kaya’t maraming kaso ang nadidismiss. Ang epekto nito ay napakababang conviction rate kaya’t patuloy na nakakalaya ang mga kriminal,” aniya.
“Sa ibang kaso naman, nakukulong ang mga walang sala at ang matagal na pagdinig ng kanilang mga kaso ay katumbas na rin ng sentensya. Hindi makatarungan ito,” sabi pa ni Eleazar.
Ayon sa Partido Reporma candidate, Eleazar agaran ang pangangailangang mapangasiwaan ang mga kasong kriminal upang mapabilis ang pag-uusig.
Sa ganitong paraan aniya’y bibilis ang criminal justice, at maaaring magkaroon pa ng high conviction rate sa mga korte.
“Sakaling palarin na manalo dahil sa awa ng Diyos at suporta ng mga kababayan natin, susuportahan ko ang panukalang batas na ayusin at i-overhaul ang ating judicial system para matugunan ang mga pangangailangan ng ating mga kababayan,” ani Eleazar.
“Tama na ang usad-pagong na hustisya. Panahon na para isulong ang makabagong justice system sa ating bansa na makatutulong din upang mapababa ang crime rate. I subscribe to the idea that the best crime deterrence is the certainty that one will be arrested and punished if they committed crimes or illegal activities,” aniya pa.
Iyan ang pusong pulis este, Senador na nais mapanatili ang peace and order sa bansa – ang makulong agad ang mga nagkasala o maging patas ang batas sa lahat.
Naniniwala kasi si Eleazar na malaki ang maitutulong ng matinong justice system sa ekonomiya ng bansa lalo na ang panatilihin ang kaayusan at katahimikan ng bansa.
Ika nga ang mapayapang bansa ay madaling makababangon sa lagpak na ekonomiya.