Advertisers

Advertisers

Kylie inamin, heartbroken na naman; Miss U Phils 2022 bina-bash

0 362

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

MARAMI ngayong bashers ang bagong Miss Universe Philippines na si Celeste Cortesi ang nagkukuwestiyon hinggil sa kanyang citizenship.
Laking Italy kasi si Celeste at nagbalik bansa para sumabak sa beauty contest. Luckily for her napanalunan naman niya ang mga title tulad na lang ng sumabak siya sa Miss Earth Philippines 2018 at naging top 8 sa Miss Earth, at ngayon nga ang titulo naman ng Miss Universe Philippines.
Sa pagdami ng basher ni Celeste na duda sa kanyang Fiipino citizenship ay to the rescue naman ang pageant mentor, talent manager, and Miss Universe Philippines (MUPH) creative director na si Jonas Gaffud.
Say ni Jonas, sa Pilipinas umano ipinanganak si Celeste at may mga documents silang hawak para patunayan iyon.
“Someone won already. And yes, @celeste_cortesi is a Filipina. She has her papers, birth certificate and passport. She was born in the Philippines.
“Now it is time for you to know her story. Why her family moved to Italy, and why they stayed there, and why she came back to her country. Soon,” saad ni Jonas.
***
MAY kinalaman kaya ang hiwalayan blues ni Kylie Padilla sa asawa nitong si Aljur Abrenica kaya lately ay nagiging masyadong emosyonal siya?
Kamakailan lang kasi ay sinumpong siya ng anxiety habang nasa lock-in taping ng bago niyang seryeng ginagawa ngayon, ang “Bolera” kasama sina Rayver Cruz at Jak Roberto.
At sa pagtatapos naman ng tapings niya sa naturang naturang serye ay nakaramdam siya ng sobrang lungkot at napaluha pa sa pag-uwi niya sa kanyang tahanan mula sa venue.
Hindi naman dating ganito ang pakiramdam ni Kylie sa tuwing nakakatapos na siya ng tapings at nahihiwalay na mga kasamahan at kapwa artista.
“I want to say thank you to everyone. The cast and crew. I made so many new friends and formed new bonds with people I now have grown to love,” say sa caption ng isang post na ini-upload ni Kylie.
At sa naturang photo ay inamin din ni Kylie ang pagiging heartbroken sa pagtatapos ng trabaho nila para sa sport serye na “Bolera”.
“On my way home I had a lump in my throat because I was heartbroken at saying goodbye to this show and to these wonderful people. I wasn’t ready,” dagdag na say pa ni kylie.