Advertisers

Advertisers

MGA TANONG AT SAGOT PARA SA MANILENO NI ATTY. ALEX LOPEZ

0 395

Advertisers

MARAMI katanungan ang Manileno ngayon, kung ano daw ba ang mangyayari pagbabago kapag naupo Alkade si Atty. Alex Lopez sa Manila city hall.

Marami din silang agam-agam na nais nilang bigyan kasagutan dahil ito ang resulta kung bakit 28% ang undecided o wala pa napipisil na kandidato pagka-Alkalde ng Maynila base sa Publicus Asia survey nitong Abril.

Ipinaalam natin ito sa kanya, at ito ang kanyang mga sagot:



***

SA tanong na ibabalik n’yo ba sa lansangan ang mga vendors sa Divisoria na siya rin pinangangambahan na mga legitimate businesses at publiko?

Paniniyak ni Atty. Alex, mananatili ang nakagisnan pagbabago sa lugar na ginawa ni Yorme, malinis na lansangan, maayos na kapaligiran, magandang daloy ng trapiko.

Titimbangin niya ang ekonomiya at law and order!

***



SA tanong na mawawala ba ang mga MTPB traffic enforcers sa lansangan? At aalisn na ba ang Non-Contact Apprehension (NCAP) sa Maynila?

Nilinaw ni Atty. Alex na status quo ang lahat kapag naupo siyang Alkalde. Walang aalisin, walang itatapon. Mananatili ang may magandang performance at sisibakin ang non-performing. Pababain ang multa sa NCAP at lalagyan ng timer ang mga traffic lights.

Parehas at makatao polisiya.

***

SA katanungan, mawawalan ba ng allowances ang mga estudyante ng PLM at UDM? Gayundin sa mga seniors, PWDs, solo parents, aalisin ba ang kanilang benepisyo?

Pinapaalam ni Atty. Lopez sa lahat na mananatili ang allowances program sa mga estudyante, samantalang dadagdagan pa at magiging sistematiko ang pagbibigay ayuda sa mga nabanggit.

Walang delay sa mga ayuda!

***

SA tanong na anong mga pagbabago, magaganap kapag naupo Alkalde si Atty Alex Lopez sa Maynila?

Ayon kay Lopez, palalakasin niya ang investment at business opportunities sa Maynila para makalikha ng maraming trabaho para sa Manileno — tax holiday sa mga new businesses at tax amnesty sa pa-recovery mga Small Medium Enterprises (SMEs), libreng lahat ng serbisyo gaya ng pagkuha ng birth certificates at iba pa.

In short, babangon muli ang Maynila!

SINDIKATO NG PAMILYANG LACUNA
SA kaso ng pamilyang Lacuna, kung si outgoing Vice Mayor Honey Lacuna ang maluloklok na Mayor, lalong lalakas ang sindikato ng pamilyang Lacuna. Sinindikato ng mga Lacuna ang city hall upang maibalik muli ang nakumpiska nilang ari-arian ng Sandiganbayan, matapos ma-convict ang kanyang mga magulang na sina dating Vice Mayor Danny Lacuna at Inday dahil sa ill-gotten wealth.

Tatakbo Mayor para lamang sa kanilang pamilya!

***

MALINAW ang desisyon ng Sandiganbayan 3rd Division na inilabas noong July 7, 2020, sa kasong ill-gotten wealth. Ayon sa anti-graft court, “unlawfully acquired” ang mga ari-arian naipundar ng pamilyang Lacuna.

Kinatigan pa muli ito ng ibasura ang motion for reconsideration nila Lacuna noong January 8, 2021.

Ibalik ninyo ang ninakaw n’yo sa Manileno!

ISKO IS NOW A DELUSIONAL CANDIDATE!
ITO na ang nangyayari ngayon kay Yorme. Pinapalakas na lamang niya ang kanyang loob pero sa realidad, olats na ito sa presidential race.

Mula sa 8% sa survey, naging 4% na lamang ito sa latest survey na inilabas ng Pulse Asia.

Mga spin doctor na lang n’ya ang bomobola sa kanya!

***

LUMABAS kase ang tunay na kustombre at kulay nito sa naganap na Easter Sunday joint presscon nang hilingin ang pag-withdraw ni VP Leni sa presidential race gayong 2nd ito kumpara sa kanya na nasa 3rd place lamang sa survey.

Ang pagiging ambisyoso, gahaman sa kapangyarihan at ipokrito ang nakita kay Yorme sa presscon na iyon ng publiko.

Pa-sub daw?! Ungaaz!

***
(Ang Parating na ang Pagbabago ay lumalabas tuwing Lunes at Huwebes, mababasa rin sa digital platform ng policefilestonite.net)