Advertisers

Advertisers

Mikee daring at mature na sa bagong serye

0 366

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

BILANG si Ning Hidalgo sa Apoy Sa Langit, masasabi ba ni Mikee Quintos na ito ang pinaka-daring role at pinaka-mature na ginampanan niya sa kanyang buong showbiz career?
“Daring po? Siguro hindi naman po kasi required si Ning na ganun. Like Ning here in this story is, she has trust issues. So takot din siyang tumalon sa mga ganung kind of, yung lalim sa relasyon,” lahad ni Mikee.
“So wala po akong ganung ka-daring na mga eksena like yung mga kissing scenes just like Stella and Cesar here.”
Gaganap sa serye si Lianne Valentin bilang si Stella at si Zoren Legaspi naman ay bilang si Cesar.
“Pero yung challenge ko in a way here, na sa lahat po ng pinlay kong characters si Ning yung may pinakamabigat na dinadala sa loob. I can say mas mabigat pa sa dala ni Maila dun sa Onanay.”
Ang Onanay ay ang GMA series nina Mikee (bilang si Maila), Kate Valdez, Cherie Gil at Nora Aunor noong 2018.
“Kasi ito [si Ning sa Apoy Sa Langit] may trauma and nahihirapan siyang i-handle yun na kino-consume na siya ng trauma niya. Na nahihirapan na siyang mabuhay nang normal.
“Pero that’s masked, you don’t see it in here, which is harder, I think, kasi hindi niya nga nae-express yung ganun niya masyado.
“Pinakahirap akong emosyon sa lahat yung galit. Hirap akong i-express ang galit and because of Ning natututunan ko yung level and kung paano i-express nga po yung galit in different ways.
“Siyempre with great help from direk Laurice then, she’s very straight to the point with what she wants and that helps me a lot sa mga eksena.”
Ang batikang aktres at direktora na si Laurice Guillen ang direktor ng teleserye.
Tampok din sina Maricel Laxa bilang si Gemma, si Kelvin Miranda bilang si Anthony, si Mariz Ricketts bilang si Blessie Atienza, si Carlos Siguion-Reyna bilang si Edong, si Coleen Paz bilang si Patring, si Celine Fajardo bilang si Iyah, si Patricia Ismael bilang si Lucy, at si Mio Maranan bilang si Toto Pancho.
Napapanood ito sa GMA Afternoon Prime.
***
KAHIT sinong artistang lalaki ay mahihirapang gumanap bilang isang buntis, at dahil ito mismo ang papel ni Xian Lim sa False Positive, tinanong namin ang bagong Kapuso actor kung gaano siya nahirapan sa kanyang papel.
“To the point na stressed na stressed na ako dahil I don’t wanna let anyone down,” natatawang sagot sa amin ni Xian.
“I’m so grateful sa network, sa GMA Network, sa buong Kapuso family that I don’t wanna let them down.
“And I remember gumigising talaga ako ng maaga para lang magtanong, para lang hindi… para lang, ayokong, I don’t wanna cause any delays, I don’t wanna cause any, kumbaga, aberya.
“Na, ‘Okay, okay baka mali yung gawin ko kay direk, or baka hindi magustuhan ni direk.’ There is that pressure definitely. Pero tinanggap ko na mahirap at gagawin ko lang ang best ko hangga’t sa ma-good take ni direk.”
May pinanood daw si Xian na foreign movies para magkaroon siya ng ideya sa pagganap bilang isang lalaking buntis.
“I was watching, pinanood ko yung, katulad nung film ni Arnold Schwarzenegger.”
Gumanap na lalaking nabuntis si Arnold sa pelikulang Junior noong 1994.
“Nanood ako ng, maraming binigay na films din na pag-aralan si direk na puwedeng kumbaga, like a peg or a benchmark for the character. Marami e, marami.
“And I was looking through videos on Youtube about pregnancy and how yung mga sintomas ng pregnant women.
“So yes, marami ding research na ginawa.”
Ang direktor ng False Positive ay si Irene Villamor at lead actress naman si Glaiza de Castro.
Second lead naman sa show sina Herlene ‘Hipon Girl’ Budol at Buboy Villar; ito rin ang first major TV role ni Herlene.
Kasama rin sina Tonton Gutierrez, Yvette Sanchez, Luis Hontiveros, Rochelle Pangilinan, Alma Concepcion, Dianne dela Fuente at Ms. Nova Villa.