Advertisers

Advertisers

Pananaw ni Usec. Severo S. Catura sa mga gawa ng facebook

0 249

Advertisers

MAY masamang epekto ang mga pinag-gagawa ng social media platform na Facebook nitong mga nagdaang mga araw, nang pagtatanggalin nito ang mga post ng ilan sa mga opisyal ng ating pamahalaan.

Ito ang paliwanag ni Executive Director, Presidential Human Rights Committee Secretariat at NTF-ELCAC Spokesperson for Human Rights, Peace Process, & International Engagements Usec. Severo. Catura.

Para sa kanya malaki rin ang epekto nito sa kalagayan ng karapatang pangtao o ‘human rights’ dito sa Pinas.



Ang pakikialam din ng Facebook sa lagay ng pulitika sa bansa ay malaki rin ang epekto sa sitwasyon ng human rights.

Gaya ng pagtatanggal nito ng mga post ng mga opisyal ng ating pamahalaan na nagbabala lamang sa mga kasamaan at karahasang ginagawa ng Communist Party of the Philippines (CPP) at New People’s Army (NPA).

Paliwanag ni Catura ang CPP at NPA ay deklarado nang mga terorista di lamang ng US State Department, kung di pati ng European Union, at ng iba pang mga bansa. Katunayan isinabatas pa nga ito, dito sa atin at pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong 2017.

Ang pagbabaklas ng mga post na gaya nito, para kay Usec. Catura ay pangongontra at kalapastanganan sa soberenya ng bansa. Kasing halaga nito ang walang pag-galang sa mga namununo sa bansa.

Ang mga pagprotesta sa mga gawing ito ng Facebook ang nagtulak sa platform na ibalik ang mga post ng ating mga goverment officials.



Ngunit kinalulungkot pa rin ito ni Usec. Catura, dahil ni hindi man lamang humingi ng paumanhin ang walang respetong Facebook.