Advertisers

Advertisers

Robin Padilla, in-endorse ang ipaTUPAD party list

0 356

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

MGA bigatin sa mundo ng pulitika at showbiz ang mga sumusuporta at nag-eendorse sa ipaTUPAD party list. Pangunahing dahilan nito ay ang mga adhikain nito na makikinabang nang husto ang mga manggagawa, pati na employer.
Ito ang nalaman namin kay Venus Emperado Apas, president at 1st nominee ng ipaTUPAD party list. Thirteen years siyang naging OFW sa Singapore, isa siyang single parent at nagtapos ng BSED sa Mt. Carmel College.
Para sa mga OFW lang ba ang ipaTUPAD party list?
Tugon ni Apas, “Hindi lang para sa mga OFW ang ipaTUPAD party list, this is more on labor, not only for labor but also sa employer. Pero yes, sakop nito ang mga OFW, dahil isa iyan sa mga programa na gusto naming isulong para sa mga OFW, since dati akong OFW, 13 years ako sa Singapore and kasi, I’m representing labor.”
Mula sa pagiging OFW, pag-uwi niya ng Pilipinas ay naging consultant siya ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan. Kaya eversince ay tumutulong na siya sa mga manggagawa.
Dating kasapi si Ms. Apas ng programang Tupad ng Dole na ang layon ay tumulong sa mga manggagawa. “Nagsimula ako 2018 pero matagal na ang Tupad, isa siyang non-profit organization pero 2016 pa lang nag-uumpisa na akong magkawanggawa. Lalo na noong pandemic, nagbigay ako ng ayuda sa mga driver. Ako dumaan talaga ako sa proseso, pinagtrabahuhan ko,” lahad pa niya.
Anyway, kabilang sa mga big names sa mundo ng pulitika at showbiz ang nag-eendorse sa ipaTUPAD.
Ang ilan sa kanila ay sina Pres. Rodrigo Duterte ang BBM-Sara tandem, si former Pres. Gloria Macapagal Arroyo, Chavit Singson, ex-senator Loren Legarda, at iba pa. Sa showbiz naman, sina Robin Padilla, Eric Quizon, Coleen Garcia, etc.
Ipinahayag ni Ms. Apas ang pagkabilib kay Robin na ikinakampanya niya rin at umaasang mananalo sila kapwa sa eleksiyon sa Mayo 9, 2022.