Advertisers

Advertisers

3×3: Chooks teams sasabak sa Ulaanbaatar Super Quest sa Mongolia

0 400

Advertisers

UMALIS Miyerkules ng gabi ang dalawang Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 squads patungong Mongolia para sumabak sa FIBA 3×3 Ulaanbaatar Super Quest.

Ang level eight-FIBA 3×3 tournament ay gaganapin simula Mayo 6 hanggang 7 na pool stages sa opening day habang ang knockout playoffs ay gagawin kinabukasan.

Limang Mongolian teams, Ulaanbaatar, Zaisan,Sansar, at Amgalan, kasama ang Japanese squad Yokohama. Bomobuu sa Cebu Chooks ay sina Mac Tallo, Zach Huang, Brandon Ramirez, at Cameroonian Mike Nzeusseu.



Samantala ang Manila Chooks, ay binobuu nina Chico Lanete, Dennis Santos,Ron Dennison, at Nigerian Henry Iloka.

Ang Cebu ay ka grupo ang Ulaanbaatar (8;30pm) Amgalan (4;50 pm( at Yokohama (5;40pm) sa Pool A.

Habang ang Manila makakatapat ang Zaisan (4;25pm) Sansar (8;05pm) at Zavkhan (6;05pm) sa Pool B. Ang Zaisan at Sansar ay parehong sumabak sa nkaraang Linggo na Chooks-to-Go FIBA 3×3 Asia Pacific Super Quest kung saan dinaig ng Manila ang Zaisan sa pool phase, 21-17.

Ang top three teams sa bawat pool ay uusad sa knockout stage na ang top seeds ay makakuha ng automatic semis berths.

Maliban sa tickets sa Chooks-to-Go FIBA 3×3 Manila Masters na nakatakda simula Mayo 28-29, ang champion ay mag-uuwi ng $10,000 habang ang second place magwawagi ng $5,000.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">