Advertisers

Advertisers

5 wanted na South Korean nadakip ng BI- FSU

0 345

Advertisers

LIMANG South Korean na wanted sa kanilang bansa dahil sa malalang krimen ang nadakip ng Bureau of Immigration Fugitive Search Unit ( BI- FSU) sa pamumuno ni chief Rendel Ryan Sy.

Sa isang pahayag mula kay BI Commissioner Jaime Morente, sinabi niya na inaresto ng mga operatiba ng (BI-FSU) noong Miyerkules at Huwebes sa magkahiwalay na operasyong isinagawa sa Metro Manila at Pampanga.

Idinagdag pa niya na hindi dokumentado at overstaying ang mga Koreanong ito dahil nakansela na ng gobyerno ng Korea ang mga kanilang mga pasaporte.



Ipinakilala ni BI-FSU Chief Rendel Ryan Sy ang Koreanong naaresto noong Miyerkules sa Clark Freeport sa Mabalacat, Pampanga si Kang Ju Hwan, 39 anyos, na may arrest warrant na inilabas laban sa kanya ng Busan District Court kung saan siya ay kinasuhan sa umanong pagpapatakbo ng mga iligal na gambling sites sa internet na hindi nagbabayad o nagbabalik ng mga dibidendobatay sa resulta ng laro.

Tinatayang nasa 900 milyong won ang kinita ni Kang at ng kanyang mga kasamahan mula sa nasabing raket na kanilang pinaandar mula Pebrero hanggang Agosto 2019.

Noong Huwebes, unang inaresto ng FSU agents sa Parañaque City si Paek Sanghun, 41 anyos, na pinaghahanap sa Korea dahil sa panloloko sa telecommunications.

May warrant of arrest mula sa Suwon district court sa South Korea dahil sa umano’y pagsasagawa ng voice phishing operations na nanloloko sa mga biktima ng mahigit kalahating milyon.

Inaresto rin sa nasabing araw din sa Batasan Hills, Quezon City sina Song Jongmin, 40 anyos, at Kim Kyungmo, 32 anyos, na parehong wanted dahil sa kasong pandaraya sa telekomunikasyon at voice phising.



Inaresto naman din si Yang Minseong, 32 anyos, sa isang lugar sa Timog Ave., Quezon City na ito umano ay miyembro ng isang voice phising syndicate ng “Kang Minho Pa’ na nanloko ng mahigit 1 bilyong Korean won mula sa kanilang mga biktima.

“Sila ay mapapabalik sa kanilang bansa dahil sila’y walang mga dokumento, at maisasama rin sa blacklist at hindi na sila muling makakapasok sa Pilipinas,” ayon kay Morente.

Pinuri ni Morente ang BI-FSU sa pamumuno ni Rendel Ryan Sy . “Hindi kami hihinto hanggang mapabalik natin ang lahat ng iligal na dayuhan at mga takas na nasa bansa,” ayon kay Morente. (JERRY S. TAN)