Advertisers
MAHIGIT 2-taong halos naburo sa loob ng bahay ang mga pamipamilya dulot ng COVID-19 PANDEMIC ay pagkakataon naman ngayon na tayo’y makapamasyal sa iba’t ibang lugar tulad ng Ilocos Norte na nagluwag na sa restrictions upang malayang makapasok sa kanilang probinsiya ang mga turista.
Kaya naman, maraming mga grupo at pamipamilya ang nagsisidayo ngayon upang mapasyalan ang mga magagandang tanawin at makapagtampisaw sa malinaw na karagatan tulad ng grupo ng QUEZON CITY PRESS CLUB (QCPC) na kasama ang kanilang pamipamilya.
Unang araw sa LAOAG CITY ng QCPC ay tinungo ang isang ipinagmamalaki ng norte na PORT OF ILOCANDIA na napakagandang lokasyon para mapagtampisawan.., bagama’t malakas ang alon ay katuwaan pa rin sa mga nagsisipagtampisaw na lumaro sa mala-duyang alon ng dagat.
Sa ika-2 araw ay dinayo naman ng QCPC ang isa pang TOURIST SPOT ng norte na KABIGAN FALLS upang maparanas sa mga kabataan o pamipamilya ng mga JOURNALIST ang kagandahan ng mga kalikasan; kung saan ay kinakailangang maglakad sa halos kalahating oras paakyat at pagtawid sa mga ilog bago marating ang may 87 feet taas na KABIGAN FALLS…, na karamihang nagsisitungo rito ay nagsisipaligo sa FALLS o di kaya ay puro litratuhan, selfiee, groupee piktyuran dahil sa mga kalikasang gubat.
Siyempre pa, ang pamamasyal ng QCPC ay hindi lamang para sa kasiyahan kundi pangunahing layunin ng OUTING ay upang ang pamipamilya ng mga JOURNALIST ay magkatoon ng TEAM BUILDING.., magkakila-kilala ang pamipamilya at magkaroon ng magandang samahan, na ito ay ginagawa rin halimbawa ng mga magkakatrabaho na isang beses man lang sa loob ng isang taon ay magkaroon naman ng WORKERS BONDING WITH FAMILIES.
Ang pagdagsa ng mga turista sa naturang probinsiya ay bunsod sa inisyatiba ni ILOCOS NORTE GOVERNOR MATTHEW MARCOS-MANOTOC katuwang ang kanilang TOURISM DEPARTMENT upang magkaroon ng tpagkakataon ang kanilang mga KAILIYAN o CONSTITUENT na makabawi sa kanilang pangkabuhayan.., at tuluyang makabangon ang ekonomiya ng kanilang lalawigan.
Nitong nagdaang linggo, ang PROVINCIAL GOVERNMENT OF ILOCOS NORTE (PGIN) ay pormal na inilunsad ang kanilang promosyon upang mahikayat ang mga turista na dayuhin ang kanilang mga TOURIST SPOT, na ilan sa mga ipinagmamalaking lugar na mapapasyaln ay ang.., SOLSONA-APAYAO ROAD na pagsapit sa itaas ay halos nasa gawing baba na lang ang mga.ulap at mga nakamamanghang tanawin.
PAOAY LAKES WATER PARK na kauna-unahang bagong FLOATING PLAYGROUND sa NORTHERN LUZON na ito ay malapit sa MALACAÑANG OF THE NORTH.., nariyan din ang BADOC ISLAND na pamosong dinadayo para sa DIVING, SURFING SPOT, SNORKLING, SCUBA DIVING at BOAT RIDING sa bahagi ng NORTHERN PHILIPPINES.
Magandang maranasan ng mga dadayo sa naturang lalawigan ay ang ipinagmamalaking SAND DUNES na paboritong lokasyon ng mga FILM MAKER tulad sa mga.pelikula ng yumaong si FERNANDO POE JR.., na maaaring sumakay sa 4 WHEEL JEEPNEY na aalog-alog at biglang pabulusok na animo’y gugulong o babaliktad ang sinasakyang jeep.., yun nga lang hindi oobra ang.mga bata dahil peligro pa ring.maituturing.
Nariyan ang PATAPAT VIADUCT na ika-5 sa pinakamahabang bridge sa ating bansa , na ito ay may habang 1.2 kilometro na bumabaybay sa kabundukan ng NORTH CORDILLERA MOUNTAIN RANGERS at ang kabila ng bridge ay ang malawak na karagatan. Ang tulay ay nag-uugnay sa BRGY. BALAOI at BRGY. PANCIAN na ang VIADUCT ay tinataguriang FRENCH RIVIERA OF THE NORTH.
Pamosong dinadayo na tatak norte ay ang BURGOS WINDFARM na siyang LARGEST WINDFARM IN SOUTHEAST ASIA at nariyan din ang nakamamanghang WHITE ROCK FORMATIONS sa KAPURPURAWAN.., na siguradong magiging abala ang mga celfon para sa piktoryal.., kaya kinakailangang full charge ang mga cp o may baon na POWER BANK para may pang-charge sakaling malobat ang inyong celfon.
Ilan lamang ang mga lugar na nabanggit na mapapasyalan at kapag napagod o nagutom ay nariyan ang mga ipinagmamalaking lutong ilokano tulad ng BATAC EMPAÑADA, BAGNET, LONGGANISANG ILOKO.., nariyan din ang BAGOONG ISDA, SUKANG ILOKO at iba pa na babaunin para sa pag-uwi sa inyo-inyong bahay.
Siyempre pa.., sa naging pagdayo ng QCPC sa norte ay ipinagpapasalamat ng mga JOURNALIST gayundin ng kanilang mga pamilya ang naging pag-asiste ng tanggapan ni GOV. MANOTOC sa representasyon ni JP CEREZO ng COMMUNICATIONS AND MEDIA OFFICE na nagsilbing tour guide ng grupo.., kaya naman sa mga taga-METRO MANILA at iba pangn ugar ay.., HALINA PASYALAN NATIN ANG ILOCOS NORTE!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.