Advertisers

Advertisers

Last 2 minutes!

0 376

Advertisers

DITO sa huling mga minuto tinotodo na ng mga basketbolista ang makakaya. Buhos na ang lahat ng husay sa bola.

Bawal ang buwaya o ball-hog. Hindi pwede magkamali sa opensa man o depensa. Eka nga ay do or die na sitwasyon.

Dito sineseparate ang men sa boys. Three points o dunk man yan pag-iigihin ng husto.



Tapos mahigpit na pagbabantay sa kalaban. Siyempre involved din mga fan. Sige palakpak at hiyaw at may kasama pang dasal.

Gagawin yan para maipanalo ang game.

Ganyan din sa halalan. Dalawang araw na lamang at boboto na ang taong-bayan.

Ngayon ang mga miting de avance. Paramihan ng tao, paramihan ng gimik.

Sana lang sa Lunes yung pipiliin mo yung gagawa ng mabuti. Yung kapakanan ng Pilipinas ang laging uunahin.



Yung hindi traydor at hindi kurap.

Kami sa subok at may resibo ng paglilingkod.

Leni Robredo at Kiko Pangilinan po.

***

Nakapanayam natin si Sev Sarmenta na siyang nag-ulat sa atin hinggil sa event.

Kwento ng batikang sportscaster na pinagunahan nina volleyball superstar Alyssa Valdez at dating national coach Yeng Guiao ang mga dumating na mga personalidad sa kaganapan.

Bukod sa mga naglaro sa dalawang exhibition game ay nakiisa din ang mga cheerleader ng mga unibersidad kabilang ang mga miyembro ng Salinggawi Dance Troupe ng USTe.

Panauhin pandangal nila ang middle child ni Leni na si Tricia na naging courtside reporter para sa NU sa UAAP.

“Nagpapasalamat po ako sa lahat ng inyong tulong sa mom ko, “ wika ng kapatid nina Aika at Jillian.

Tapos nagbiro…”Pasensya na po na hindi ako naka cheerdance outfit.” Sinundan kasi niya ang isang grupo ng mga mananayaw ng hardcourt.

Tunay na masaya raw ang hapong iyon na tulad ng mga rally ng matino at mahusay na presidential aspirant.

***

Ibang klase ipinakita ni Ja Morant sa panalo sa Game 2 nila ng Golden State. Grabe ipinamalas ng mahusay na guard ng Memphis. Nakapagtala ng 47 na points, 8 rebounds, 8 steals at 3 steals. 48% sa FG, 41% sa tres at 92% sa FT. Parang MVP ang kanyang laro.