Advertisers
ITO ang masasabi nating tunay na makabayan. Si Enzo Williams, isang film director na FAMAS at Star Awards awardee.
Bakit ko nasabi? Si Wlliams ay nakagawa ng isang maikling dokumentaryong pelikula na maaari nang mapanood ngayon ng publiko tungkol sa Barangay Development Program (BDP).
Take note, wala siyang kinita rito, kung di ay abono pa nga dahil ginawa niya ang dokumentaryo nang libre.
Sa kanyang dokumentaryo, pinakikita ang kahirapan ng ating mga kababayan sa mga kanayunan, na pineste ng mga komunistang-teroristang Communist Party of the Philippines, New People’s Army, National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Tanging hangarin ng direktor sa paggawa ng dokumentaryo ay ang kanyang mga nasaksihang kahirapan ng mga kapwa Filipino na namumuhay sa malalayong barangay na dating pinamumugaran ng mga pesteng CPP-NPA-NDF.
Ang sabi nga ni Williams, bawat komunidad na mapanood sa dokumentaryo ay kanya nang napuntahan at nasaaksihan ang mga kahirapan sa pamumuhayng ng ating mga kababayan. Mas naapektuhan nga raw siya nang malamang tinapyasan ng malaking halaga ng ating mga senador ang budget para sa BDP.
Isa lang ang nagpabilibsa akin. Ang tinuran ni DIREK na tungkulin niya raw sa bansa ang ipakita ang mga kamalian na ginagawa ng iba, kaya niya ginawa ang dokumentaryo paraan daw ito, para na rin makatulong sa pamahalaan at sa kanyang mga kababayan.
Ang direktor na siya ring gumawa ng pelikulang Bonifacio: Ang Unang Pangulo ay nagsabi na mahirap ang kalagayan ng mga Filipinong nakaranas ng pamemeste ng mga komunistang-terorista, at ang kanyang dokumentaryo ang kanyang paraan para malaman din at maintindihan ito ng kanyang mga kababayan lalo na ng mga senador na nagdesisyong bawasan ang pondo para sa BDP.