Advertisers
MALAPIT sa pamilya Duterte si Councilor Danny dayanghirang ng Davao City na tumatakbo ngayong congressman sa 2nd district ng lungsod.
Isa ito sa mga taong pinagkakatiwalaan hindi lamang ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kundi ng mga anak ng Pangulo gaya nina Davao City Mayor Inday Sara Duterte, Davao City 1st District Cong. Paolo ‘Polong’ Duterte at Davao City Vice Mayor Baste Duterte.
Ika nga, magkarugtong ang mga bituka ng mga ito at sadyang magkakasanggang-dikit.
Ngayon ngang tumatakbo itong Kongresista sa 2nd District, sasala ang sandok sa palayok ngunit hindi ang tiyak na panalo nito sa darating na May 9 elections.
Makakalaban ni Boss Danny Dayanghirang si re-electionist Congressman Vincent Garcia.
Magandang laban ito ngunit dahil nga sa hindi matatawarang impluwensiya at suporta ng mga Duterte kay Boss Danny, nakakalamang ito sa nakaupong mambabatas na si Garcia.
Speaking of Danny Dayanghirang, hindi na ito bagito sa mga ganitong laban dahil mahigit sa 39 na taon na itong nasa pulitika ng lungsod ng Davao.
Hindi biro ang naging kontribusyon nito sa tinamong kaunlaran at pag-asenso ng Davao City sa ilalim ng pamamalakad ng mag-amang Digong at Inday Sara.
Malaking bilang rin sa mga residente ng 2nd district ng Davao City ang sumusuporta kay Dayanghirang dahil na rin sa hindi matatawarang naging performance nito bilang city councilor at ang kakaibang katangian nito bilang matapat na lingkodbayan at diehard Duterte supporter.
Ika nga, tawasin mo man itong si Boss Danny, lalabas at lalabas ang pagiging solid Duterte nito hindi lamang sa gawa kundi sa isip man at sa salita.
Kasama sa mga plano ni Boss Danny Dayanghirang kapag nasa Kongreso na ay ang pagpapalakas ng Covid-19 response ng kanyang tanggapan upang lalo pang paigtingin ang mga programang nasimulan ni Mayor Inday Sara na inaasahang aakyat sa ika-2 pinakamataas na posisyon sa pamahalaan o ang vice presidency.
Sabi nga ng incoming solon ng Davao City 2nd district, idol nito ang mga Duterte kung kaya’t hindi malalayo sa istilo ng mga ito ang kanyang pagganap sa kanyang bagong tungkulin bilang mambabatas ng kanyang distrito.
Naka-focus si Dayanghirang sa pagsasa-moderno ng mga centers sa Davao City 2nd district kung saan laan nitong pagkalooban ng mahuhusay na doktor o manggamot ang bawat barangay health centers sa 2nd district pati na rin ang pagbili ng mga gamot na ipagkakaloob ng libre sa kanyang mga constituents.
Plano rin ni Dayanghirang na pagkalooban ng maintenance medicines ang lahat ng mga seniors citizens ng kanyang distrito at i-deliver ang mga gamot na ito sa pintuan ng kanilang mga tahanan nang di na kinakailangan pang pumila sa mga barangay health centers o sa mismong opisina n’ya.
“ide-deliver natin ang mga gamot na ito sa bahay-bahay upang hindi na mahirapan pa ang mga mamamayan ng Davao City 2nd district.
Ayon naman sa mga beteranong mamamahayag ng Davao City, kapansin-pansin na halos mahigit sa kalahati ng mga botante ng 2nd district ng Davao City ang lantarang nagpapakita ng suporta sa kandidatura ni Danny Dayanghirang.
Mistulan umano itong Messiah na sasagip at magkakaloob ng bagong pag-asa sa mga residente ng ikalawang distrito ng lungsod na may ilang panahon na ring napabayaan at hindi nalingap na mabuti ng dating nakaupong mambabatas.
Mataas umano ang ‘clamour for change’ sa 2nd district at ito ang inaalay ni Danny Dayanghirang, ang isang tunay na pagbabago tungo sa tamang direksyon.
With Boss Danny in Congress, muling mapagkakalooban ng pag-asa ang mga taga-2nd district ng Davao City.
Mabuhay ka Boss Danny and advance congratulations!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com