Advertisers
SA araw ng halalan, wala akong maaaring idagdag sa mga nasabi ko sa abang kolum na ito. Nataon na lumabas ito sa araw ng halalan. Iiwan ko ang paalala. nawa’y baunin ninyo at ibuslo sa inyong kamalayan. Tiyak makakatulong ito sa iyong pagninilay. Ang Tunay Na Dekalogo ni Gat Apolinario Mabini. Sinasabi nito ang panuntunan ng isang tapat at huwarang mamamayan. Nagpapasalamat ako kay Propesor Bayani Santos sa pagposte nito sa wikang Ingles, na hinalaw ko sa wikang Tagalog. Inaalay ko ito sa ating mamamayan na patungo sa kani-kanilang presinto upang pumili ng susunod na titimon sa ating Bayang Sinilangan. Naway maging gabay ang dekalogo ni Gat Apolinario. Nawa’y maging mapagnilay tayo:
ANG TUNAY NA DEKALOGO NI GAT APOLINARIO MABINI
1. Mahalin ang Kabunian at galangin ang katarungan, at, sa lahat ng gawain ang sariling karangalan, ang tanging kapangyarihan na umuudyok na maging makatotohanan at masipag.
2. Sumampalataya sa Kabunian sa paraang angkop, upang ang tinig niya ang iyong naririnig, na bumabatikos sa pagkakamali, at pumuri, sa mabuting gawa.
3. Palawigin ang kakayahang tanging si Kabunian ang nagbigay sa iyo, sa paggawa, sa pag-aaral, ayon sa iyong kakayahan, na hindi lumilihis sa sa daan patungo sa kabutihan at katarungan, upang makamit ang pagiging perpekto, sa ganitong paraan makaka-ambag ka sa pagsulong ng sangkatauhan: sa gayon, magagampanan mo ang pakay na iniutos sa iyo ni Kabunian, na kapag nagampanan, makakamit mo ang karangalan, at pagpupuri sa Kabunian.
4. Mahalin si Kabunian, at ang Bayan, at ang pangsariling karangalan, higit sa sarili, dahil ang Bayan ay ang tanging Paraisong ipinagkaloob sa iyo sa mundong ibabaw; ang tanging partimonya ng iyong lahi; ang tanging pamana ng iyong mga ninuno. Dahil sa Bayan, ika’y may buhay, pag- ibig, at kina pinusuhan; kaligayahan, dangal, at Kabunian.
5. Magsikap para sa kaligayahan ng Bayan bago ang sarili; gawin siyang pangunahing impluwensya ng katuwiran, dahilan, katarungan, at gawa; kung matiwasay ang lipunan, matiwasay ang mga ka-anak.
6. Sikapin makamit ang kasarinlan ng ating Bayan, dahil ikaw lamang ang may tunay na interes sa kaniyang pagkalinga at pagpaparangal nito, at dahil ang kalayaan nito ay nangangahulugan din ng kalayaan mo, ang pagkalinga, pagpaparangal nito ay nangangahulugan ng iyong kaluwalhatian at imortalidad.
7. Bago kilalanin ang awtoridad ng sinuman, huwag kilalanin ang awtoridad ng hindi mo hinalal, o inihalal ng mga kasama mo. In your country, dahil ang lahat ng kapangyarihan ay galing kay Kabunian, at dahil kausap niya ang budhi ng bawat mamamayan, siya lamang ang tunay na kapangyarihan.
8. Magsumikap upang ang Bayan ay maging Republika, at hindi isang kaharian: dahil sa kaharian, ilang pamilya ang nagiging ugat para sumibol ang dinastiya; ang Republika ay nagpaparangal at nagpaparangal sa bansa sa pamamagitan ng katuwiran, napakainam nito dahil sa kasarinlan, ang lahat ay nagiging maunlad at matalino bunga ng sariling sikap.
9. Mahalin ang kapwa, dahil inutos ni Kabunian ang obligasyon na tulungan ang kapwa, at inutos din niya huwag gawin sa kapwa ang ayaw mong gawin sa iyo; ngunit kapag hindi ito sinunod ng iyong kapwa, bagkus, tinankang kitilin ang iyong buhay, kalayaan at iyong prayoridad, at mabuting gawa, tungkulin mo na supilin at durugin siya. Dahil yan ang pangunahing batas. Dahil ang pangangalaga sa sarili ang dapat manaig.
10. Laging alagaan ang kapakanan ng kababayan kaysa karatig-bansa;makikita mo sa kababayan ang isang kaibigan, kapatid, isang kaakibat na iisa ang tadhana, iisa ang kaligayahan, at dalamhati, iisa ang mithiin, at interes. Dahil dito, habang binubuo ang mga hangganan ng bawat bansa, panatiliin, gamit ang pagmamahal sa Bayan at Kaanak, manatiling nakatayo, magkabuklod, nagkakaisa, at tapat sa Bayan upang makamit ang karunungan at lakas, hindi lamang upang harapin ang kalaban, upang makamit ang inaasam na magandang buhay.
Itangan ang mga habilin na ito sa pagboto.
Kasihan nawa tayong lahat ng Poong Kabunian.
***
Mga Nenok Sa Lambat:
“Be wary of people calling for unity, except those who have good and sincere intentions…” – Fr. Lito Jopson
“Noong hindi pa panahon ng kampanya, disappointed ako sa mga kabataan dahil parang wala silang pakialam sa bayan, sa mga bagay tungkol sa bayan. Nahirati sa maalwang buhay, abala sa social media at ibang gadgets, tour dito, tour doon, ang opinyon ko sa kanila ay mababaw, hindi seryoso. Dahil nga siguro freedom was offered to them on a silver platter, hindi na kailangang magbuwis ng buhay tulad nina Lorena Barros, Edgar Jopson, Jessica Sales, Emman Lacaba atbp. Then, the campaign period began. And we were surprised by the youth involvement, their enthusiasm, their determination, their talent/creativity, their energy. They are taking the coming elections seriously because they know that it is their future that is at stake, that they want to participate in choosing their leaders. And we can only encourage them, applaud them while saying to ourselves, “There is hope.” Yes, there is hope. As our national hero Jose Rizal said, ” The youth is the hope of the Fatherland.” – Maris Hidalgo
“The most important ingredient of leadership is character. Most of the proficiencies can be learned, but what’s inside you is something that’s difficult to change…”- Jesse Robredo
“You know the Philippines has lost its moral marbles when Imee Marcos is in the Senate and Leila de Lima is in jail…” – Joe America
“It appears, after all that justice will be served, no matter how late. Five years too late. But indeed, the truth often bides its time. It patiently waits and is never vanquished…” – Leila de Lima