Advertisers

Advertisers

Kylie may rason kaya ‘di nakasama sa kampanya ni Papa Robin

0 266

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

MAY dahilan kung bakit no appearance si Kylie Padilla sa kampanya ng amang si Robin Padilla.
May kumalat kasi na ‘di raw suportado ni Kylie ang ama.
Mariing itinanggi ni Kylie na hindi niya sinuportahan si Papa Robin.
Di raw siya makapag- show up dahil sa lock in taping nito na siya niyang tinutukan.
Dagdag pa ang pagka-miss nito sa dalawa nilang anak ng ex na si Aljur Abrenica.
Puwede ba raw hindi suportahan ang ama kaya sa socmed na lang ito nag-post bilang suporta sa amang si Binoe.
Sa post ay sinabi nito na proud siya sa ama na nananatiling numero uno sa Senatorial race.
Sa last message nito sa socmed ay sinabi ni Kylie na magiging mabuting senador ang ama.
Dahil nakita raw nito ang mga natulungan ng ama na nangangailangan kaya natuwa naman si Kylie sa pagiging top ng kanyang ama sa pagka-senador.
Hindi pa nga naproproklama si Robin still ay nagbibilangan pa pero ‘di naman nabago ang datos ng pangunguna ng aktor.
***
Angel malungkot pero taas noo sa resulta ng
halalan
SA unang bagsak pa lang unofficial result ng bilangan sa katatapos na eleksyon ay marami nang KakamPink ang dismaydo.
Isa na nga rito si A ngel Locsin na nagpakita ng buhos ng suporta.
Isa si Angel sa masugid na tagasuporta ni VP Leni Robredo.
Kung ang milyong mamamayan ay dismayado sa inilalabas na resulta ng Comelec, isa rin nga si Angel sa hindi makapaniwalang datos or figure ng result ng botohan.
Kaya may nagtanong kay Angel na netizens kung umiiyak din ang aktres sa naging resulta ng halalan.
Saad naman ni Angel na malungkot pero taas noo.
Ang mahalaga nga raw ay nanindigan at lumaban hanggang sa huling kampanya.
Magpatuloy nga raw sa nasimulan sa paninindigan para makamit ang tunay na inaasam para sa bansa.
Marami namang artista na sumuporta kay VP Leni na malungkot ngayon.
Pero may panawagan naman ang mga netizen na kung sadyang malinis ang eleksyon, patunayan at mag-manual recount.
Well, well, well…’Yun na!