Advertisers
NITONG nakaraang kampanyahan sa Halalan ‘22, gamit na gamit ang Malasakit Center ng mga reelectionist mayor, govenor at congressman sa kanilang pangangampanya.
Mistulang ipinagdidiinan nila sa kanilang constituents na sa kanila ang Malasakit Center. Na kaya ito nabuo o naitayo sa kanilang provincial hospital ay dahil sa kanila.
At dahil nga marami paring aanga-anga sa mga malalayong probinsiya, paniwalang-paniwala ang marami sa mamamayan sa ipinangangalandakan sa kanila ng kanilang bugok na mayor, governor or congressman.
Ang Malasakit Center ay sa national government. Ang nagpanday ng batas para rito ay si Senador Bong Go. Ang pondo rito ay galing sa PCSO, PAGCOR, PhilHealth at DSWD.
Ito ay ginawa para makatulong sa mahihirap nating kababayan na walang pambayad sa ospital (government). Pero hindi naman lahat ng hospital bill ay sagot ng Malasakit Center. Mostly ay kalahati lang ang nasasagot rito.
Uulitin ko, ang Malasakit Center ay hindi dapat ginagamit sa pamumulitika ng mga mayor, governor o congressman. Wala silang pakialam dito. Kaya ‘wag silang aasta na gawa nila ito. Sa national govt. ito! Maliwanag?
***
Tutol si presumptive President Bongbong Marcos Jr. sa online sabong.
Wala raw puwang sa kanyang administrasyon ang mga sugal na nakaka-adik.
Ang sugal, aniya, ay parang droga lang. Na kapag na-adik ay tiyak sira ang buhay at pamilya. Mismo!
Since ayaw ni BBM ng online sabong, dapat iutos din niya sa mga awtoridad ang pagpatigil sa jueteng ni Pineda sa Central Luzon na ilang dekada nang namamayagpag.
At dapat bawasan ang mga laro ng PCSO Lotto. Dahil nauubos din ang mananaya sa dami ng draws. Kasi nga kailangan nilang tayaan sa bawat draw ang kanilang mga alagang numero dahil baka lumabas dito eh. Hehehe..
Noong panahon ng diktador na ama ni BBM, ang pinakamainit na laro noon ay ang jai-alai sa Taft Avenue, Manila. Na dahil sa lakas ng laro na ito, pinasok ng sindikato sa Visayas at Mindanao, ang “masiao” na pinatatakbo noon ng mga kamag-anak din ni Marcos sa Leyte.
Sa pagpatigil sa online sabong, maibalik kaya ang jai-alai? Hmmm…
***
May nag-chat sa atin, madalas daw ang riot ng mga kabataan sa Barangay 42 sa Moriones, Tondo, Manila.
Kadalasan daw ay madaling-araw nangyayari, nagbabatuhan at naghahabulan ang mga kabataan.
Sakop ito ng MPD-PS 2. Kung sino man ang kumander dito, pakilambat lang po ang mga pasaway na kabataan. Isama narin sa mga kakasuhan ang kanilang mga pabayang magulang.
At sa barangay officials ng Brgy. 42, galaw-galaw naman, mga pare ko. Puede naman kayo makipag-ugnayan sa pulisya eh. Kilos!
***
Si Atty. Vic Rodriguez na raw ang napiling Chief Executive ni BBM. Dapat lang! Aba’y si Vic lang naman ang pinaka-loyal na tao ni BBM eh. Eversince sila na ang magkasama. Yung iba dyan, sumama lang nang maramdamang mananalo si BBM.