Advertisers
Ni WALLY PERALTA
YEARS na rin ang nakalipas nang maghiwalay ang mag-asawang Janice de Belen at John Estrada. May kanya-kanya na nga silang sariling buhay pero kapuna-puna na never pa silang nagsamang dalawa sa isang project after nilang maghiwalay ng landas. Through all those past years, by this time may chance na kaya na magsama sina Janice at John sa isang show? Sa isang online show ay natanong mismo ng anak nina Janice at John na si Kaila Estrada kung open na ba ang kanyang ina na makasama si John sa isang project?
“I’d be open to working with Aga Muhlach. Your dad? No,” say ni Janice.
Si Aga ay naging espesyal ding parte ng buhay ni Janice, naging karelasyon niya ang aktor bago pa man naging mister si John. Ano naman kaya ang rason ni Janice kung bakit okey lang makatrabaho si Aga pero never si John?
“Alam mo kasi, hindi kami naging mag-asawa ni Aga so it’s different. The relationship is different. It’s different with your dad kasi naging mag-asawa kami, okay? Yung mga disagreements namin were not tiny disagreements.
The reason for us separating, it’s not a tiny thing. It’s not just a disagreement. So many hurtful things, so many hurtful words have already been exchanged and there’s a reason why we’re not exactly friends,” pahayag ni Janice.
***
DALAWANG hottest bombshell ng Vivamax ang pinagsama after AJ Raval & Cindy Moreno and Janelle Te & Ayanna Misola, sina Denise Esteban at Angela Morena para sa new series na dinerehe ni GB Sampedro that starts streaming on June 5, ang “High (School) on Sex”.
It’s about high school students and their misadventures involving sex. Ginampanan ni Denise ang role ni Issa na isang high school student na nagkaroon ng isang reputasyon sa kanilang eskwelahan na isang pokpok pero virgin pa rin sa katotohanan.
Sabi nga ang high school life ang pinaka-exciting na parte sa buhay ng estudyante kaya diretsahan natanong si Denise kung saan siya natuto ng mga kaalaman about sex.
“I was brought up by my parents sa belief na you should give yourself sa kung sino lang ang mapapangasawa mo. But now I’ve learned to understand the opinion of other people. Kanya-kanyang paniniwala naman yan,” dagdag pang say ni Denise.
“Ideally, you should learn it from your parents but kadalasan, we learn it from our friends, our classmates. Kami ng friends ko, nanonood kami sa phone ng porn. And when Vivamax took me to do sexy movies with them, I did my own research by watching porn sites which are now so accessible,” say ni Denise.
At dahil na rin sa nakasanayan nang manood sa mga porn hubs, medyo nagiging liberal na rin sa pananaw ni Denise ang sex, agree kaya ang byuti niya sa tinatawag na pre-marital sex?