Julia pinayuhan si Joshua na ‘wag muna magdyowa; Ryza naghanap ng damay sa hirap sa pagiging 1st time mom
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
HINDI ikinaila ni Julia Barretto na bukas pa rin sila sa komunikasyon ng ex-bf na si Joshua Garcia.
Alam naman ng current bf ni Julia na si Gerald Anderson na tuloy ang kumustahan ng mag-ex.
Sa panayam kay Julia ay ‘di naman ito nag-aksaya ng panahon para pagtuunan ng pansin si Joshua.
May pagkakataon nga pag nagkukumustahan ang mag-ex ay talagang may I payo si Julia kay Joshua.
Payo ni Julia kay Joshua ay huwag na huwag pagsasabayin ang lovelife at career.
At huwag daw muna ito mag-girlfriend payo pa ni Julia kay Joshua.
Baka nga raw maging mitsa ito ng pagkasira ng karera ni Joshua.
Bata pa raw ito at i-enjoy muna nito ang life at career. Kaya may sumabat na netizen na ang galing daw magpayo ni Julia na huwag isabay ang lovelife sa career.
Eh ano ba raw ang ginawa niya, di nga ba’t magkasabay din ang lovelife ng aktres sa kanyang career.
***
Assunta de Rossi at Sam Pinto, relate much sa post ni Ryza Cenon as a mom
IBINAHAGI ni Ryza Cenon sa kanyang socmed account ang pagiging first time mommy nito.
Sa post ng aktres ay sine-share naman nito na napapatulala na lang daw ito sa pagod.
Sa dami nga ng mga ginagawa ni Ryza mula sa pangangasiwa sa kanilang house ay nandyan pa ang pag-aalaga nito ng kanyang anak.
Mula sa pagpapaligo, pagpapakain, pagpapatulog sa kanyang anak ay may dagdag pang gawaing bahay ito.
Naglilinis, nagluluto at nag-aalaga ng anak sa sobrang pagod nga raw ay nakakatulog na lang itong kusa.
Kaya naman ini-ask ni Ryza sa kanyang socmed kung sino bang mommy ang katulad niya.
Napa-react naman sina Assunta De Rossi at Sam Pinto sa post ni Ryza.
Relate raw ang dalawang celebrity moms kay Ryza.
Kung ano nga raw ginagawa ni Ryza as plain housewife at first time mommy ay ganun din sina Assunta at Sam.
Marami naman natuwa na netizens sa pagiging hands on ni Ryza sa kanyang baby.
Well, well, well…’Yun na!