Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
ISA si Lara Morena sa tampok sa pelikulang Ikaw Lang Ang Mahal na bagong handog ng Viva Films at napapanood na sa Vivamax simula May 20.
Starring Kylie Verzosa at Zanjoe Marudo, mapapanood dito ang iba’t ibang arts sa Pilipinas, at kung ano rin ba ang art of falling in love.
Paano niya ide-describe ang kanilang movie at kumustang mag-shooting sa Sagada?
Wika ni Lara, “Our movie is really one of a kind, it’s more than a romantic drama, napaka-poetic at may mahusay na paglalarawan sa mga buhay ng mga alagad ng sining. May mensahe rin ito tungkol sa kahalagahan ng mental health at siyempre, makikita rito ang nakabibighaning sceneries ng Sagada.
“Hindi naging madali ang mag-shoot dahil sa sobrang lamig ng panahon, pero dahil masaya ang samahan ay naging mabilis ang trabaho.”
Nabanggit din niya kung anong klaseng katrabaho sina Zanjoe at Kylie.
Aniya, “Alam ko gasgas na pero ito ang totoo, bukod sa napaka-professional sa set, very generous sila bilang mga actor, bigayan sa eksena, walang sapawan and ramdam mo na na-internalize nila ang role na bigay sa kanila. Parang minsan di nga trabaho ang ginagawa namin, kasi lahat ng involved sa project magaan makasama talaga, on and off camera.”
Paano niya ide-describe ang love scene with Zanjoe? May ilangan ba or bigay-todo na agad sila para take-1 lang?
Esplika ng aktres, “Wala namang ilangan, kasi nagsama na kami sa isang TV series before. Ang attitude kapag maselan ang scene is to take your time, huwag madaliin para lang matapos na.
“Napaka-gentleman ni Zanjoe, very protective and maasikaso sa eksena. Funny and very light ang love scene and very tastefully done ang mga shots and pagkaka-edit.”
Ang pelikula ay kuwento ni Andrei (Zanjoe), isang documentarist na nagpunta sa Sagada para hanapin at ma-interview ang tatlong national artists para sa ginagawa niyang documentary. Makikisalamuha si Andrei sa mga lokal ng Sagada, at makakapalagayan pa ng loob ang iba. Dito niya makikilala si Lira (Kylie), isang best-selling author, na pamangkin pala ng isa sa mga artists na hinahanap ni Andrei.
Magiging malapit sila sa isa’t isa at unti-unting mahuhulog ang loob ni Andrei kay Lira na mas mababaling ang atensiyon sa dalaga kaysa sa documentary na ginagawa.
Makakasama rin nila rito sina Joel Torre at Ronnie Lazaro. Magsasabog din ng alindog dito ang Vivamax sexy actress na si Cara Gonzales.
Ang pelikula ay mula sa multi-awarded director na si Richard Somes. Isang Vivamax Original Movie, humanda nang umibig at masaktan, kayanin ang lahat para sa pag-ibig at ipangakong… Ikaw Lang Ang Mahal, mapapanood na sa Vivamax simula May 20, 2022. Mag-subscribe na sa Vivamax sa halagang P149 kada buwan, at P399 naman para sa tatlong buwan.