Advertisers

Advertisers

BAGONG BATAS SA ARMAS PARA SA MGA JOURNO

0 275

Advertisers

PINIRMAHAN at naisabatas na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ang panibagong mga alituntunin sa pag-aarmas na nagpapalawig ng lisensiya sa pag-aari ng baril mula sa dalawang taon at ginawa nang sampung taon.

Napakabuti nito para sa ating mga kabaro sa pamamahayag saan mang sulok ng bansa.

Maraming maraming salamat Mr. President, ang bagong batas na Republic Act (RA) No. 11766 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ay siguradong malaki ang maitutulong sa mga journo natin at iba pang nagmamay-ari ng baril na mga ‘responsible gun owners’, para protektahan ang kanilang mga sarili at pamilya.



Bilang namununo sa Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS), ang panibagong batas po ninyong pinirmahan ay makakahikayat sa lahat ng nagmamay-ari ng baril na iparehistro ang kanilang mga armas upang mapadali na rin ang paghahanap ng ating mga law enforcement agency sa mga ‘loose firearms.’

Para na rin po sa kaalaman ng lahat, itinatag din natin ang Association of Responsible Media (ARMED) noong 2005, dahil na rin ang inyong lingkod ay nakaranas ng karahasan at naprotektahan ang aking sarili at pamilya sa pag-aari ko ng baril.

Ang mga batas na gaya nito ay malaking bagay para sa ating mga journo. Gaya na lamang ng Republic Act No. 11699 na dinideklara ang bawat August 30 bilang ‘National Press Freedom Day’, bilang pagpupugay sa kabayanihan ng Ama ng Pamamahayag na si Marcelo H. del Pilar.

At isa sa mga batas at kautusang mga ito, ay ang Administrative Order No. 1 o kauna-uanahang kautusan ni Pangulong Duterte noong 2016 na nagtatag sa PTFoMS sa ilalim ng Office of the President, na ang layunin ay magbigay proteksiyon at seguridad sa mga mamamahayag. Kauna-unahan din ito sa buong mundo.

Maging ang Executive Order No. 2 na nagtatalaga na sa bawat galaw ng Executive Branch ay kailangang bukas sa panunuri ng ating mga kababayan.



Umuusad na rin ang panukalang batas na Media Workers Welfare Act (MWWA), na ang layunin ay maitaas ang antas ng bawat mamamahayag at mabigyan sila ng sapat na pasahod at regularisasyon sa kanilang mga trabaho.

Ang lahat ng yan ay maituturing na nating pamanang iiwan sa atin ni Pangulong Duterte.