Advertisers

Advertisers

Arron palaisipan ang pagka-tsugi sa ‘Probinsyano’

0 404

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

SABI nga ‘when a door closes, windows open’ at yan ang nangyayari ngayon sa showbiz karir ni Arron Villaflor.
Matapos na matsugi sa “Ang Probinsiyano” ni Coco Martin nang hindi nalalaman ni Arron ang dahilan ng kanyang pagkatsugi, ito ngayon ang tsika, magiging isang Kapuso na raw ang dating child actor na si Arron, but wait there’s more, kinuha rin siya ng Vivamax para lumabas sa ginagawang nitong bagong original series para sa Vivamax, ang “Wag Mong Agawin ang Akin” na pagbibidahan ng sinasabing bagong Vivamax Queen of sex nymphet na si Angeli Khang.
Knowing Vivamax projects, daring and sexy to the max ang kanilang genre, does this mean lalaban na rin ng sabayan si Arron sa hubaran sa naturang original serye?
“I am excited but a bit nervous kasi I was last seen in ‘Probinsyano’ two years ago at di ko nga alam kung bakit ako naalis doon.
“Now, I’m so grateful na may panibagong blessing from Vivamax and I promise to do my best in this series. Na-miss ko talagang umarte.
“Siyempre, Vivamax ito, so dapat, ready ka. Pero abangan nyo na lang. Basta I will surprise the viewers,” say ni Arron.
And another surprise ay ang kanyang role sa “Wag Mong Agawin ang Akin”, dahil kontrabida siya.
“Yes, medyo kupal ang character ko and I like it, para maiba naman sa mga dati kong ginagawa. Mai-in love ako rito kay Jamilla Obispo who plays Christine and dahil sa obsession ko sa kanya, gagawin ko ang lahat to make sure na mapapasa akin siya. My parents here are Yayo Aguila and Julio Diaz,” dagdag pang say ni Arron.
***
KALURKI naman ang bagong pasabog ng Queen of Creative Collaborations na si Heart Evangelista nang magpost siya ng mga larawan na kuntodo naka-gown na isang powder blue gown with a giant, billow skirt with matching jewelries and full accessories.
Pictorial session ni Heart na ginawa after ng kanyang pagdalo sa Cannes Red Carpet debut. Keri naman ni Heart na rumampa kahit anong gown ang kanyang suot pero by this time ay sa isang beach ginawa ang kanyang pictorial na maraming tao at karamihan ay naka-swimwear.
Bilang isang professional ay game na game na nag-pose si Heart in matching gown kahit pa sabihin na maraming mata ang nakatingin.
Masaya naman si Heart sa kinalabasan ng kanyang fashion pictorial at ini-upload niya agad ang kanyang mga photos sabay pabirong nag-caption ng ganito:
“When they give you the wrong address of the party! When art and fashion take form in beautiful Cannes. Editorial shoot with the one and only @nicolasgerardin and coordination by my love @mohiebdahabieh. In @tonywardcouture and @messikajewelry.”