Advertisers

Advertisers

KULANG SA KASANAYAN O SADYANG KULANG-KULANG?

0 1,518

Advertisers

SA balitang isa si SAGIP PARTYLIST RODANTE MARCOLETA sa ikinokonsiderang mangasiwa sa DEPARTMENT OF ENERGY ay maraming mga HENYO ang komukondena agad sa pagsasabing hindi ito angkop sa naturang ahensiya dahil kulang daw sa kasanayan o sadyang kulang-kulang sa karanasan.., na ang marapat maipuwesto sa nasabing ahensiya ay yaong may TALINO at GALING sa larangan ng ENERGY.

Ang mensahe ng mga HENYO sa INCOMING PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR ay kinakailangang makapagtalaga ng mga HENYO at SINSERO na naaayon sa mapupuwestuhang ahensiya ng mga personalidad na maitatalaga sa iba’t ibang departamento ng ating gobyerno.

Sa totoo lang ay maraming natuwa nang buksan ni MARCOS JR. ang mga posisyon sa gabinete sa mga taong labas sa kanyang talaan ng mga kaalyado.., na ang mga ito ay sina BENJAMIN DIOKNO sa DEPARTMENT OF FINANCE (DOF); FELIPE MEDALLA sa BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS (BSP); ALFREDO PASCUAL sa DEPARTMENT OF TRADE.AND INDUSTRY (DTI); ARSENIO BALISACAN sa NATIONAL ECONOMIC DEVELOPMENT AUTHORITY (NEDA); BIENVENIDO LAGUESMA sa DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT (DOLE) at SUSAN OPLE sa DEPARTMENT OF MIGRANT WORKERS (DMW).



Ang iniismid.ngayon ng mga HENYO ay mukhang masisira raw ang LINE-UP ni BONGBONG MARCOS kung mahahaluan ang kanyang koponan ng isang abogadong laman sa mga huntahan dahil sa kakaibang ikinikilos.

Kasi nga raw.., kung sa pagiging kongresista nito’y pawang basurang panukala lang ang inihain sa plenaryo.., tulad sa ipinanukalang batas nito na tanggalin ang mga krusipiho sa mga silid ng mga ospital.., e hindi raw ba alam nito na 90% ng populasyon sa bansa ay pawang Kristiyano at relihiyoso lalo na sa panahon ng mga pagkakasakit?

Ang masaklap, isinulong din niya bilang mambabatas na bigyan lang ng P1,000 ANNUAL BUDGET ang COMMISSION ON HUMAN RIGHTS (CHR) dahil sa hindi pagpanig sa PANGULO sa kinasangkutang kaso sa INTERNATIONAL CRIMINAL COURT kaugnay ng madugong giyera kontra droga.., na tila ba kailangang unahin ng CHR ang isang tao kumpara sa mahigit 6,000 kataong biktima ng extra-judicial killings.

Ang nakakatawa pa raw ay ang paulit-ulit na sinabi mismo ni PRESIDENT RODRIGO DUTERTE na hindi niya kailangan ang CHR.., na pilit idinedepensa ni MARCOLETA ang PRESIDENTE.., dahil kinakailangan daw nitong magpapansin.

BIlang isang abogado, alam marahil ni MARCOLETA na malabong makulong si DUTERTE dahil sa kanyang edad.., dagdag pa ang kawalan ng matibay na ebidensyang direktang patunay ng kanyang papel sa naturang patayan.



Ang tanong ngayon ng mga HENYO.., dekampanilyang abogado ba talaga si MARCOLETA o sadyang may tililing lang?

Kung ang sagot ay ang pangalawa.., e hindi siya oobra sa DOE.., dahil, sng kailangan sa naturang departamento ay isang eksperto lalo pa’t may nagbabadyang krisis sa enerhiya pagsapit ng taong 2023.

Kumento ng mga komukondena ay anong gagawin nito kung siya ang mapipili para maging DOE SECRETARY.., na maaaring ipanukala nitong ipagbawal naman ang panonood ng mga programa ni Vice Ganda sa TV para makatipid ng kuyente? HEHEHE…, O baka naman isusulong nitong gumamit ng tambo bilang transportasyon para makatipid sa langis!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.