Advertisers
MAGTATAPOS ang termino ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa June 30, 2022 kaugnay nito pinasalamatan ng mga empleyado, opisyal ng Department of Agrarian Reform (DAR) at samahan ng magsasaka si DAR Secretary Bernie Cruz dahil sa kanyang mga nagawa at naisakatuparan mga proyekto sa ahensya sa kabila ng maikling panahon na paninilbihan bilang DAR Secretary.
Nabatid sa Facebook page ni Sec. Cruz bumuhos ang pasasalamat ng mga empleyado at opisyal ng DAR sa mga naisakatuparan proyekto, programa ng naturang secretary at pagtulong sa mga magsasaka para maasam ang lupang kanilang sinasaka.
Base pa sa facebook page ng kalihim pinasalamatan siya ng mga empleyado ng DAR sa kanyang mga nagawa at ang pagiging kababaang loob ng naturang opisyal.
“Mahirap na trabaho pero napagaan mo ang loob ng manggagawa at napasaya sa bong DAR sa magpapakumbaba. Mabuhay ka SEc. Bernie” ayon kay Zaldy.
“Thank you sir Sec. Bernie Cruz. you did a great work in our DAR family! God bless sir” ayon pa sa isang empleyado ng DAR.
Sinabi ng mga empleyado ng DAR, at mga magsasaka nagawang mailapit ni Sec. Cruz ang kalooban ng mga magsasaka sa mga kawani ng DAR sa pamamagitan ng tapat na pagseserbisyo, at kababaang loob.
Pinangunahan din ni Cruz ang pagbubukas ng maraming tulay at daan sa mga liblib na probinsya upang maihatid ang serbisyo ng pamahalaan sa mga magsasaka at sa komunidad ng pagsasaka.
Nauna ng sinabi ni Sec. Cruz, na malaki ang maitutulong ng tulay sa mga magsasaka upang mapapakinabangan sapagkat ito ang maghahatid ng pag-unlad sa mga lalawigan para sumulong ang kalakalan.
Kaugnay nito magugunitang sinabi ni Sec. Cruz na upang ipatupad ang pangako ng administrasyon ni Pangulong Duterte isinasakatuparan ng DAR ang Comprehensive Agrarian REform Program (CARP) o ang libreng pamamahagi ng lupa sa mga walang lupang magsasaka.(Boy Celario)