Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
MASAYA si Rez Cortez dahil nabigyan siya ng pagkakataong mag-title role sa pelikulang “Mang Kanor”, isa sa mga handog ng AQ Prime under Director’s Cut section.
Ilang dekada na rin kasi siya sa showbiz at nakilala siya sa paglabas bilang rapist.
Ang pelikulang “Mang Kanor”ay hango sa viral video ng isang matandang lalake noong 2018.
Aniya, aware raw siya sa kontrobersyal na karakter na kanyang gagampanan gayunpaman, napapayag siyang gawin ito dahil may redeeming value raw naman ang pelikula.
“Kahit kasuklam-suklam ang kanyang ginawa, nagsisi naman siya sa huli. At sana, kapulutan din siya ng aral lalo na sa mga kababaihan na huwag basta-basta magtiwala sa isang kagaya niya,”paliwanag niya.
Pagbabahagi pa niya, hindi niya alam kung kinuha ng produksyon ang kaukulang permiso sa tunay na buhay para maisapelikula ang buhay ni Mang Kanor.
“Parang yung pangalang Mang Kanor ay naging generic. Wala namang particular person na pinatutungkulan dito sa movie na ginawa namin. “Yung Mang Kanor dito sa movie, nademanda pero nakulong siya on a different case. Pero hindi siya nakulong dahil dun sa mga nag-viral na mga sex videos. Dahil hindi naman napatunayan na si Mang Kanor ang nag-upload noon. Dahil nawala ang cellphone, at may ibang nag-upload kaya nag-viral yung mga video,” esplika niya.
Tungkol naman sa kanyang saloobin sa paggawa ng sex scenes sa pelikula sa edad na 66, ito naman ang kanyang naging sagot.
“Hindi naman nakakapagod kundi nakakadiri na! Pero ang binigyan naman ng focus, ang mga babae. Kasi, yung mga sexy, ganyan-ganyan. Kung merong breast exposure sila, e, si Mang Kanor, nag-breast exposure rin. Ha! Ha! Ha! Ha!”, pabiro niyang lahad.
Bagama’t advocate siya ng malayang ekspresyon, naniniwala rin siyang dapat ay responsable ang isang artist sa magiging saklaw ng kanyang medium.
“Pero sabi ko nga, huwag na nating iano… alam mo na, i-suggest na lang natin na nakahubad siya. At hindi naman kailangang ipakita na nakahubad. At maa-achieve naman natin ang ating gustong ipakita sa audience na without showing na talagang hubad ka,” hirit niya.
Mula sa panulat at direksyon ni Greg Colasito, kasama ni Rez sa pelikula sina Nika Madrid, Rob Sy, Seon Quintos, Emelyn Cruz, Via Veloso, Joni McNab at Rain Perez.
Si Rez ay kasalukuyang presidente ng Mowelfund na pumalit kay Boots Anson Roa-Rodrigo.