Advertisers
Ni PETER LEDESMA
ITINODO na ni Direk Reyno Oposa ang husay sa pagdidirek ng bagong movie na “The Surrogate: Sperm Donor/Baby Maker na intended for FAMAS. Mapangahas man ang pelikulang ito ni Direk Reyno na punung-puno ng sensuality ay nagawa pa rin niyang artistic, lalo na ang maseselang eksena ni Mr. International Philippines candidate Andrew Lucas at Kate Denise.
Parehong all-out ang dalawa sa kanilang intimate scenes lalo na ang baguhang aktor na si Andrew, na bold, daring, and wild sa movie. Si Direk Reyno rin ang sumulat ng istorya ng The Surrogate na napapanahon ang tema.
Malaki pala ang tiwala ni Direk Reyno kay Andrew kaya sa kanya ipinagkatiwala ang importanteng role at bumida sa said movie. For Direk Reyno naman ay napansin na raw siya sa Cinemalaya para sa obrang Takipsilim, this time ay gusto naman ng kaibigan naming filmmaker na mabigyan ng puwang ang movie niyang The Surrogate na makapasok na official entry sa FAMAS 2022.
Why not, dekalidad naman ang film niyang ito at mahuhusay pa ang kanyang mga artista. Tapos nang i-shoot ang The Surrogate sa Tondo, Manila.
***
Mystica Binalikan Ang Career Sa Las Vegas, In-demand Sa Mga Concert
Nasa Reno Nevada, Las Vegas na ang tinaguriang “Rock Diva” na si Mystica kasama ang foreigner boyfriend na very supportive sa kanya. At yes, muling binalikan ni Mystica ang kanyang career sa Las Vegas, at in-demand siya sa kaliwa’t kanang concerts para sa Pinoy community.
Pinanonood din siyempre ng mga foreigner ang sumikat na Split Queen dahil siya ay tunay na concert performer. Yes, wala pa rin talagang kupas ang galing ni Tikay (tawag ka Mystica sa showbiz) kaya’t pinag-aagawan siya ng mga promoter sa Amerika at malaki ang kanyang talent fee.
This coming June 25, may concert uli si Mystica sa Axum Palace Resto Bar in 6370 West Flamingo Las Vegas, Nevada at ang price ng ticket ay $70. Nagpe-perform din ang nasabing Rock Diva sa ilang Casino Hotel sa Vegas.
Yes marangya ang buhay ni Mystica sa Amerika kaya sa mga basher ng singer, eat your hearts out.
***
JC Garcia 3 Sunud-Sunod Na Concerts Ang Gagawin, Marami ring Awards Sa Company
Among the Store Managers of Security Public Storage in Hollywood, California, lahatin na ang stores nila ay tanging si JC Garcia ang napagkalooban ng recognition o award.
Ilan sa iginawad kay JC noong 2015 at 2016 ay ang “Certificate of Special Congressional Recognition na ipinagkaloob sa kanya ng US House of Representatives headed by Ms. Jackie Speir. Ang parangal ay mula sa Business to Business Networking, Daly City and Colma Chamber of Commerce.
Kabilang din sa Certificate of Recognition na tinanggap ni JC ay mula sa California State Senate na iginawad sa kanya ni Senator Mark Leno, at ng State Board of Equalization na ibinigay sa kanya ni Honorable Chairwoman Fiona Ma.
Ang mga nasabing awards ay itinuturing ni JC na malaking achievement sa kanyang propesyon bilang Store Manager ng Security Public Storage sa mahabang panahon. Samantala, pagdating naman sa career ng nasabing International Recording Artist ay 3 magkakasunod na concerts ang gagawin nito with his Bff and co-recording Artist na si Yolanda Siracusa and other special guests.
This August 6, mapapanood sina JC at Yolanda sa kanilang Havana Night Concert sa Fort Mckinley in California. Then sa Sept. 24 sa Lucky Jade Resto in Sacramento na ang titulo ng concert ay “Simply The Best: The Repeat, at isa pang concert na gaganapin naman ngayong October 22.
Maraming bagong sorpresa si JC sa mga upcoming shows niyang ito. And in all fairness, ngayon pa lang ay selling like hotcakes na ang ticket for his concerts.