Advertisers
UMISKOR si Jaylen Brown ng 17 sa kanyang 27 points sa unang yugto habang si Jayson Tatum nagtapos ng 26 points upang buhatin ang host Boston Celtics sa 116-100 victory laban sa Golden State Warriors sa Game 3 ng NBA Finals kahapon sa TD Garden sa Boston.
Hawak ngayon ng Celtics ang 2-1 lead ng best-of-seven series na ang Game 4 ay gaganapin sa Biyernes sa teritoryo pa rin ng Boston.
Si Tatum ay nagtala ng 9 assists at si Brown nagdagdag ng lima at 9 rebounds. Marcus Smart nagtapos ng 24 points matapos makaipon ng 2 puntos sa 107-88 pagkatalo ng Celtics sa Game 2 Linggo.
Al Harford kumolekta ng 11 points,8 rebounds, at 6 assists para sa Boston, na kumana ng 48.3% mula sa floor para umangat sa 7-0 matapos matalo sa playoffs.
Golden State Warriors star Stephen Curry pumokol ng anim na three-pointers at nagtapos ng 31 points.
Klay Thompson umiskor ng 25 points habang si Andrew Wiggins nagdagdag ng 18 para sa Warriors.