Advertisers

Advertisers

INDEPENDENCE DAY AT FATHER’S DAY CELEBRATION SA ROBINSON’S NOVALICHES, QC

0 241

Advertisers

ANG Robinson’s Novaliches ay magseselebra ngayong buwan ng 2 special occasions; ang Philippine Independence Day sa June 12 at ang Father’s Day sa June 19.

Bilang pagpupugay sa lahat ng mga naging bayani sa ating buhay, ang FilArts na isang non stock organization na dedikado sa pagsusulong sa sining at kultura ng Pilipinas ay nakipagtuwangan sa Artablado para sa natatanging art exhibition na idaraos sa Robinson’s Novaliches Atrium.

Mga piling Filipino visual artists ang magpapakita ng kanilang kahusayan sa art works upang parangalan ang lahat ng mga father at father-figures gayundin sa paggunita ng 124th Philippine Independence na sina FilArts founder and President Roy Espinosa, Franklin Caña Valencia, Julius Clar, Roy Ama, Al Vargas, McViñas, Giovanni Dela Rosa, Norman Cristobal, Krsha Mae Enobay, and Denise Valera.



Ang exhibit ay magsisimula bukas June 10 hanhgang 19, 2022.