Advertisers
UMALIS si Rose Jean Ramos patungong Mexico Miyerkules ng umaga para sumabak sa Youth Weightlifting Championship mula Hunyo 11 to 18 sa Leon City, Guanajuato State, Mexico.
Depensahan ni Ramos ang women’s 47kg title na kanyang napanalunan nakaraan taon sa Jeddah,Saudi Arabia. Nasungkit ang gold medal sa snatch (67kgs), silver sa clean and jerk (80kgs) para sa pinagsamang total na 147kgs.
Ang 17- anyos lifter mula Zamboanga City ay sasamahan ni Allen Jayfrus Diaz, na nag- sasanay sa kanya ng anim na taon.
Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) president Monico Puentevella ay nasa Mexico na.
“We are hoping and praying that Rose Jean will win again,” Wika ni Diaz, 36, na dating national lifter bago naging coach.
“After the tournament in Jeddah, we went back to training. She is really determined to win in Mexico and she has worked hard to make sure she’s prepared,” Dagdag ng pinsan ni Tokyo Olympic gold medalist Hidilyn Diaz.
Sa 2020, Nasilo ni Ramos ang gold medal sa snatch at silver medal sa total nang lumahok sa International Weightlifting Federation Youth Online World Cup hosted ng Peru.
Ramos, na Grade 10 student sa Mampang National High School, ay naging miyembro ng national training pool noong 2018.
Samantala., Vanessa Samo at ang iba pang medalist sa Vietnam SEA Games ay naghahanda para sa Asian Youth at Junior Championship sa susunod na buwan.