Albie naunahan ng takot kahit pangarap maging TV host; Sharon suportado ang pagiging tibo ng anak na si Miel
Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
TANGGAP at suportado ng mag-asawang Senator Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta ang ginawang pagtatatapat ng anak nilang si Miel Pangilinan sa panamagitan ng IG account nito na member siya ng LGBTQ+ (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer) community.
Ibinahagi ni Sharon sa kanyang followers sa Instagram at Facebook ang saloobin ukol sa ibinunyag ng anak sa social media. Lahat daw ng kanyang mga anak ay mahal niya at sinusuportahan niya ang mga ito.
Sabi ng Megastar,”All I will say is that I LOVE ALL MY CHILDREN AND WILL SUPPORT THEM IN THEIR LIVES AND CHOICES. I am proud of my children and ALL MY CHILDREN ARE PERFECT. I love you, my Miel.”
***
SI Albie Casino ang isa sa dalawang co-host ni Catriona Gray sa talent reality competition na “Top Class: The Rise To P-Pop Stardom”, ang pinakabago at pinakamalaking P- Pop talent search sa Pilipinas.
Ayon kay Albie, pangarap niya noon pa na maging isang TV host pero nauunahan siya ng takot dahil sa kanyang sakit na dyslexia.
Sabi ni Albie,”I have been acting for 12 years and my handlers have been telling me to try hosting. Sinasabi nila sa akin lagi, I can be good at it. But it has always scared me because I’m dyslexic.”
Patuloy niya,” It’s especially hard when I have to read names or usernames. When you have to do spiels, sometimes you need only the gist or thought, you don’t necessarily have to say them word for word. But you have to get the names right, so it was hard.”
“And you don’t get second takes lalo na kapag live show. Madalas hindi ako masyadong nakakapagsalita,” aniya pa.
Bukod sa dyslexia, inamin din ni Albie noong maging celebrity housemate siya sa “Pinoy Big Brother” season 10 na meron siyang attention deficit hyperactivity disorder (ADHD).
Pero hindi niya raw yun itinuturing na isang kapansanan.“
“I always tell people that I don’t think of these as handicaps. I’m totally normal, at least yun ang feeling ko sa sarili ko. Ha-hahaha! Na normal ako. I always tell people who suffer from ADHD or dyslexia that these things are not hindrances, think of it as superpowers,” anya pa.
Samantala, ang Top Class Rise to P-Pop Stardom is a product of game partnership between four Filipino entertainment powerhouse Kumu, TV5, Cignal Entertainment and Cornerstore Entertainment. Mapapanood na ito simula, bukas, Sabado sa TV5.